Announcement

 

Emergency Hotline

 

 

 

Announcement

 

 

Press Releases

You are visitor #

2391318
TodayToday528
This_WeekThis_Week2019
This_MonthThis_Month13432
All_DaysAll_Days2391318

CEREMONIAL MARKING NG MEMORIAL MONUMENT NI MAYOR THONY HALILI,

ISINAGAWA

monument

Isinagawa ang “ceremonial marking”ng Memorial Monument ni dating Mayor Antonio C. Halili noong Hulyo
2, 2021, mismong ika-3 taong anibersaryo ng paggunita sa kanyang pagkakapaslang. Ang programa ay
pinangunahan ni Mayor Angeline “Sweet”Halili kasama sina Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad at mga
miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Glen Win Gonzales, SK Federation Pres. John Kennedy
Macalindong, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Herman de Sagun, Kon. Czylene Marqueses at ABC Pres. Isidro
Fruelda. Kabilang din sa nakiisa si G. Mark Halili bilang kinatawan ng pamilya Halili. (Photo courtesy: Jun S.
Mojares)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS---- Sa paggunita ng ika-3 taong anibersaryo ng
pagkakapaslang kay dating Mayor Antonio C. Halili, isang makasaysayang “ceremonial
marking” ng kanyang monumento ang idinaos noong Hulyo 2, 2021 bilang
pagpapahalaga sa kanyang hindi matatawarang serbisyo bilang punong lungsod ng
Tanauan.

Isinagawa ang “ceremonial marking”ng Memorial Monument ni dating Mayor Antonio C. Halili noong Hulyo
2, 2021, mismong ika-3 taong anibersaryo ng paggunita sa kanyang pagkakapaslang. Ang programa ay
pinangunahan ni Mayor Angeline “Sweet”Halili kasama sina Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad at mga
miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Glen Win Gonzales, SK Federation Pres. John Kennedy
Macalindong, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Herman de Sagun, Kon. Czylene Marqueses at ABC Pres. Isidro
Fruelda. Kabilang din sa nakiisa si G. Mark Halili bilang kinatawan ng pamilya Halili. (Photo courtesy: Jun S.
Mojares)

Ang programa ay pinangunahan ni Mayor Angeline “Sweet” Halili kaisa sina Vice Mayor
Atty. Junjun Trinidad at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Ang disenyo ng 66-square meter na istruktura ay kakikitaan ng aktuwal na imahe ng
dating mayor noong ito ay paslangin habang inaawit ang Lupang Hinirang sa regular na
flag raising ceremony ng mga kawani ng cityhall. Maging ang huling bakas ng paa ng
alkalde mula sa kanyang pagkakabaril ay kasama sa ilalagak na monumento sa mismong
eksaktong lugar kung saan siya bumagsak.
Si dating Mayor Thony Halili ang ika-19 na nahalal na punong lungsod ng Tanauan na
naging bantayog sa kanyang kahanga-hangang serbisyo sa sambayanang Tanaueño.
Naging tanyag ito sa kampanya kontra droga na binansagang “Walk of Shame” at
nagpatuloy na nagtaglay ng kasikatan matapos nitong isakatuparan ang mga inilatag
niyang progresibong programa para sa lungsod gaya ng pagpapatayo ng Tanauan City
College, Tanauan City Vegetable Trading Post, modernong cityhall, sports academy, at
ang nagpapatuloy pa rin na konstruksyon ng Triple A slaughterhouse. Kabilang pa sa
mga naging malalaking proyekto ng yumaong ama ng lungsod ang Tanauan City Public
Market Redevelopment Project at ang pagiging isang Halal-compliant ng dating Double
A slaughterhouse.
Alinsunod sa resolusyong pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod noong Hulyo 6, 2018,
ang Res. 2018-202- “Requesting to place a marker to the very spot where the late mayor
Antonio C. Halili was shot to death,” pormal ng isinagawa ang “marking”ng istruktura
upang bigyang pagkilala ang mga pambihirang ambag ng dating alkalde sa lungsod.
Sa panahon ng panunungkulan ni dating Mayor Thony Halili, hinirang ito bilang Best
Local Chief Executive (City Category) taong 2014 ng PNP CALABARZON PRO4A at
nagtamo rin ng maraming pagkilala ang lungsod kung saan ang ilan sa mga ito ay
kinabibilangan ng ISO 9001:2015 certification, Seal of Good Financial Housekeeping
taong 2016 at 2017, Investors in People Award maging Philippine Quality Award kung
saan ikatlo ang lungsod sa buong bansa na nakatanggap ng prestihiyosong award na ito.
Sa napakadaming kontribusyon ni Mayor Thony Halili sa larangan ng serbisyo publiko,
tinagurian siyang “Iron Man”ng lungsod.
Kabilang sa mga nakiisa sa programa ang mga Department Heads, sina Gng. Gina Y.
Halili, G. Mark Halili at ilan pang kaanak at malalapit na kaibigan ng yumaong alkalde.
Ang nagdisenyo ng itatayong monumento ay si Architect Paul Angelo E. Mayores ng City
Planning and Development Office. (Maria Teresa S. Buño / CIO Tanauan | Photo
Courtesy: Jun Mojares)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph