Announcement

 

Emergency Hotline

 

 

 

Announcement

 

 

Press Releases

You are visitor #

2391330
TodayToday540
This_WeekThis_Week2031
This_MonthThis_Month13444
All_DaysAll_Days2391330

GROUNDBREAKING NG ITATAYONG TANAUAN CITY HOSPITAL, ISINAGAWA

hospital

Isang simpleng “groundbreaking ceremony” ang isinagawa noong Hulyo 2, 2021 sa 3.6 ektaryang lupain sa
Barangay Sambat na binili ng pamahalaang lungsod upang pagtayuan ng pampublikong ospital. Ang
programa ay pinangunahan ni Mayor Angeline “Sweet”Halili kaisa sina Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad at
mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Joseph Castillo, Kon. Czylene Marqueses, Kon. Glen
Win Gonzales, Kon. Kristel Guelos, Kon. Ben Corona, Kon. Herman de Sagun, ABC President Isidro Fruelda,
Kabilang din sa mga dumalo ang mga punong departamento ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni OIC-
City Administrator Jon Magpantay, mga mamamahayag at iba pang mga panauhin. (Photo courtesy: Jun S.
Mojares/Roderick P. Lanting)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS---- Umukit ng panibagong pahina sa kasaysayan
ng Lungsod ng Tanauan ang isinagawang “groundbreaking ceremony” ng pampublikong
ospital noong Hulyo 2, 2021 sa mismong ika-3 taong anibersaryo ng pagpaslang kay
yumaong Mayor Antonio C. Halili.
Ang isa sa mga magsisilbi rin sanang “big ticket projects” ng administrasyon ng dating
mayor ay ganap na ngayong mabibigyang katuparan sa panahon ng panunungkulan ng
kanyang anak na si Mayor Angeline “Sweet” Halili.

Isang malaking karangalan para sa ina ng lungsod na ang naudlot na pangarap ng
kanyang ama ay masisimulan na sa ilalim ng kanyang panunungkulan. “It is great honor Isang simpleng “groundbreaking ceremony” ang isinagawa noong Hulyo 2, 2021 sa 3.6 ektaryang lupain sa

Barangay Sambat na binili ng pamahalaang lungsod upang pagtayuan ng pampublikong ospital. Ang
programa ay pinangunahan ni Mayor Angeline “Sweet”Halili kaisa sina Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad at
mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Joseph Castillo, Kon. Czylene Marqueses, Kon. Glen
Win Gonzales, Kon. Kristel Guelos, Kon. Ben Corona, Kon. Herman de Sagun, ABC President Isidro Fruelda,
Kabilang din sa mga dumalo ang mga punong departamento ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni OIC-
City Administrator Jon Magpantay, mga mamamahayag at iba pang mga panauhin. (Photo courtesy: Jun S.
Mojares/Roderick P. Lanting)

to be part of your lives na ang ipinangako po ni Mayor Thony Halili, ngayon po ay
maibibigay na po ng government ng Tanauan City,” pahayag ni Mayor Sweet Halili.
Sa naging mensahe naman ni Vice Mayor Trinidad, sinabi nito na napapanahon ang
naturang programa dahil sa mga suliraning pangkalusugan ng bawat isa.
Sa oras na matapos ang nakatakdang simulang konstruksyon ng nasabing ospital, ito
ang magiging kauna-unahang ospital na mayroong “access” sa Southern Tagalog Arterial
Road (STAR) Tollway.
Kasama sa ibinalangkas na plano sa pagpapatayo nito ang pagkakaloob ng mga “medical
services” na kinabibilangan ng internal medicine, pediatrics, surgery, Ob-gyne,
laboratories at marami pang iba.
Nakiisa rin sa naturang pagtitipon si G. Mark Anthony Halili bilang kinatawan ng
pamilya Halili gayundin ang iba pang mga inimbitahang panauhin.
Pinangasiwaan naman ni Rev. Father Totit Mandanas ang pagbabasbas sa lugar. (Maria
Teresa S. Buño / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Jun Mojares/Roderick P. Lanting)

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph