Announcement

 

Emergency Hotline

 

 

 

Announcement

 

 

Press Releases

You are visitor #

2354989
TodayToday127
This_WeekThis_Week861
This_MonthThis_Month13914
All_DaysAll_Days2354989

DAY CARE CENTERS AT DAY CARE WORKERS NG TANAUAN, PASADO SA “ECCD

ACCREDITATION”

daycare

Malugod na ibinalita ng mga kinatawan ng CSWD sa pamumuno ni Ms. Rebecca D. Javier kay Mayor
Angeline “Sweet” Halili ang naging resulta ng isinagawang Early Childhood Care and Development (ECCD) o
RA 8980 Accreditation noong Mayo 24, 2021 hanggang Hunyo 3, 2021 kung saan nakapasa at nagkamit ng
matataas na “rating” ang 59 day care centers at 59 day care workers ng Lungsod ng Tanauan.


LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS---- Sa kabila ng kinakaharap na mga suliraning
dulot ng CoViD-19, ipinagpapatuloy pa rin ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa
pamumuno ni Mayor Angeline “Sweet” Halili, Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad, at mga
miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang mga inisyatiba nitong maitaguyod ang
kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng serbisyong ipinagkakaloob ng mga day care
workers at day care centers.
Sa isinagawang Early Childhood Care and Development (ECCD) o RA 8980 Accreditation
noong Mayo 24, 2021 hanggang Hunyo 3, 2021 ng mga kinatawan ng Department of
Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A na sina Ms. Maria Luz S. Poblete
at Ms. Evangeline Esguerra, tagumpay na nakapasa ang kabuuang 59 day care centers at
59 day care workers ng lungsod.
Bunga nito, mabibigyan ng “license to operate” ang lahat ng pasilidad sa loob ng tatlong
(3) taon. Inilarawan din ng mga nagsagawa ng nasabing pagsusuri ang mga day care
workers ng lungsod na “Highly Competitive,” dahilan upang mas pag-ibayuhin pa ng
mga ito ang paglinang ng karunungan ng mga batang mangangailangan ng kanilang
serbisyo.
Samantala, dahil hindi pa posible sa kasalukuyan ang pagsasagawa ng “face to face
classes,” nagsagawa muna ng mga “feeding programs” ang mga day care workers ng

Malugod na ibinalita ng mga kinatawan ng CSWD sa pamumuno ni Ms. Rebecca D. Javier kay Mayor
Angeline “Sweet” Halili ang naging resulta ng isinagawang Early Childhood Care and Development (ECCD) o
RA 8980 Accreditation noong Mayo 24, 2021 hanggang Hunyo 3, 2021 kung saan nakapasa at nagkamit ng
matataas na “rating” ang 59 day care centers at 59 day care workers ng Lungsod ng Tanauan.

lungsod noong mga nakaraang buwan kung saan ang mga batang “target beneficiaries”
ng programa na nasa edad 3 hanggang 4 na taong gulang ay dinalhan nila ng mga lutong
pagkain.
Sa isinagawang “evaluation” ng naturang day care centers ng lungsod, 37 ang nagkamit
ng “Satisfactory Rating”, 20 ang nabigyan ng “Very Satisfactory Rating”, at (2) ang
kahanga-hangang nakakuha ng “Outstanding Rating” na kinabibilangan ng day care
center na nasa Barangay Balele at Barangay Mabini.
Malugod na nakiisa sa “exit conference” ang nangangasiwa ng tanggapan ng CSWD na si
Ms. Rebecca D. Javier kasama ang mga “focal persons” ng programa na sina Ms. Sharlene
Del Mundo at Ms. Raquel Llanera. (Maria Teresa S. Buño / CIO Tanauan | Photo
Courtesy: Jun S. Mojares/Sharlene Del Mundo)

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph