Announcement

 

Emergency Hotline

 

 

 

Announcement

 

 

Press Releases

You are visitor #

2391365
TodayToday575
This_WeekThis_Week2066
This_MonthThis_Month13479
All_DaysAll_Days2391365

Gulayan sa Paaralan, muling nilinang sa Tanauan City

gulayan

Pormal na inilunsad ng
Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ni Mayor Angeline “Sweet” Halili, sa
pamamagitan ng Tanggapan ng Panlungsod na Agrikultor na pinangangasiwaan ni G. Renato
Cunanan, ang proyektong “Masustansyang Gulay para sa Pamayanan, Hatid ng Bayanihan
Dito sa Ating Gulayan sa Paaralan” noong Marso 17, 2021 sa Ambulong Elementary School.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng naturang tanggapan ng lokal na pamahalaan, 1st
Batangas Provincial Mobile Force Company (BPMFC) – 3 rd Maneuver Platoon na
pinangungunahan ni PLT Warley Flor Contreras at DepEd-Tanauan City sa ilalim ng
pangangasiwa ni Schools Division Superintendent Rogelio F. Opulencia at koordinasyon ni G.
Romel G. Villanueva ng Division Social Mobilization and Networking, layunin ng proyektong
ito na maitayo at mapaganda muli ang Gulayan sa Paaralan (GSP) sa iba’t-ibang barangay na
nasasakupan ng lungsod upang magkaroon ng magandang kalidad ng gulay na ibibigay sa
mga “undernourished” na mag-aaral gayundin sa komunidad. Kabilang sa mga paaralan na
makikinabang sa programa ang Ambulong Elementary School, Sulpoc Elementary School,
Pres. J.P. Laurel National High School, Laurel Elementary School, Natatas National High
School at Ma. Paz Elementary School. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo
Courtesy: Office of the City Agriculturist – Tanauan FB page| March 18, 2021) #

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph