Press Releases

You are visitor #

2296259
TodayToday72
This_WeekThis_Week1646
This_MonthThis_Month7140
All_DaysAll_Days2296259

130 th Birth Anniversary ni Pres. Jose P. Laurel, Sr., ginunita sa Tanauan City

laurel

Bilang
pagbibigay-pugay at pag-alala sa ika-130 taon ng kapanganakan ni dating Pangulong Jose P.
Laurel, Sr., nagsagawa ng maikling programa at pag-aalay ng bulaklak ang Pamahalaang
Lungsod na pinamumunuan ni Mayor Angeline “Sweet” Halili noong Marso 9, 2021 sa
President’s Mausoleum sa lumang sementeryo ng lungsod. Kabilang sa dumalo sa programa
bilang kinatawan ng pamilya Laurel sina G. Teotimo Leus at G. Ramon Gonzales Leus na
nagpaabot ng lubos na pasasalamat sa pagkilalang patuloy na ibinibigay ng lokal na
pamahalaan sa kanilang lolo. Nakibahagi rin sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng Dr. Jose
P. Laurel Masonic Lodge No. 325 sa pangunguna ni Worshipful Master Michael Macatangay
gayundin si Vice Mayor Atty. Herminigildo Trinidad Jr. at mga miyembro ng Sangguniang
Panlungsod na sina Kon. Herman Trinidad, Kon. Czylene Marqueses, Kon. Angel Burgos, Kon.
Glen Win Gonzales, Kon. Angel Atienza, Kon. Ret. BGen. Benedicto Corona, Kon. Dra. Kristel
Guelos, Liga ng mga Barangay President Isidro Fruelda at SK Federation President John
Kennedy Macalindong kasama si Chief of Staff Casiano Saniano. Tagumpay na naidaos ang
programa sa pamamagitan ng Community Affairs Office (CAO) na pinangangasiwaan ni G.
Edison Jallores. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Jun Mojares /
March 11, 2021)#

Citizens Charter

charter4

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph