Press Releases

You are visitor #

2274498
TodayToday44
This_WeekThis_Week1026
This_MonthThis_Month1026
All_DaysAll_Days2274498

Christmas Tree for a Cause, muling pinailawan sa Tanauan City

tree

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – Sa kabila ng mga sakuna at pandemya na pinagdaanan
ng mga Tanaueños ngayong taong 2020, ninais ng Pamahalaang Lungsod na magbigay ng pag-asa sa
kanyang nasasakupan ngayong panahon ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagsisindi ng ilaw ng 40-
ft. Christmas Tree nito noong Disyembre 7, 2020 sa harap ng city hall sa Barangay Natatas.
Tagumpay na naisagawa ang programang “Christmas for a Cause” sa pangunguna ni Mayor
Mary Angeline Halili, kaisa sina Vice Mayor Atty. Herminigildo Trinidad Jr. at mga miyembro ng
Sangguniang Panlungsod. Layunin nito na makalikom ng pondo mula sa mga pinagbilhan ng
Christmas balls na nauna nang naisabit noong Disyembre 2 at 3, 2020. Ito ay ilalaan sa mga pasilidad
ng lungsod, ang Tanauan City Kanlungan Center at Tanauan City Bahay Pag-asa, gayundin sa mga
mamamayang Tanaueño na higit na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal at pagsalanta ng mga
Bagyong Rolly at Ulysses. Sa ilalim ng pangangasiwa ng tangggapan ng City Social Welfare and
Development (CSWD) at Community Affairs Office (CAO), nakalikom ang lungsod ng kabuuang
halaga na Php 79,100.00.
Sa naging pahayag ni Mayor “Sweet” Halili, sinabi niya ang importansya ng naturang
programa sa kanyang mga kababayan na mas nangangailangan at ang pagbibigay ng pag-asa sa
kanila. Aniya, “Sa book of Genesis, where there was darkness pa, ang sinabi naman po ng Diyos, let
there be light. Why? Because light is a sign of hope and life for all of us. Kaya ngayong ating
Christmas lighting, let this be a symbol of hope for everyone, for all the Tanaueños, lalung-lalo na
talaga kayo mga Tanaueños, sama-sama lang tayo.”

Ipinahayag naman ni Vice Mayor Atty. Trinidad sa kanyang “pre-recorded message” ang
kanyang paniniwala hinggil sa paggunita ng Pasko sa lungsod ng Tanauan. “All year round naging
Pasko. Bakit? Dahil ang esensiya ng Pasko ay pagmamahalan. And we have shown it so much,
‘yung pagmamahal natin sa ating mga kababayan. Kaya po ako bilang isang Tanaueño talagang
ipinagmamalaki ko, taas-noo, ang kagandahang-loob, hindi iniwan ang sinuman, at yan ako ang
naniniwala, ito ‘yung tunay na esensiya ng Pasko.”
Natunghayan ng mga Tanaueños ang muling pagningning ng higanteng Christmas tree sa
pamamagitan ng mga “live coverage” ng programa sa mga opisyal na FB pages na pinangangasiwaan
ng ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo
Courtesy: Roderick Lanting | December 10, 2020) #

 

Citizens Charter

charter4

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph