Tulong sa Tiwi at Malinao, Albay, ipinaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
Lubos na
pasasalamat ang ipinaabot ng mga munisipalidad ng Tiwi at Malinao, Albay sa Pamahalaang Lungsod
ng Tanauan na pinamumunuan ni Mayor Mary Angeline Halili dahil sa tulong pinansyal na ipinadala
ng lokal na pamahalaan sa mga naturang bayan kaagapay ang Dios Mabalos Po Foundation noong
Nobyembre 18, 2020. Ang halagang Php 500,000.00 na malugod na tinanggap nina Tiwi Mayor
Jaime C. Villanueva at Malinao Mayor Lenybelle Ceriola-Santos mula kay Gng. Ester Yson Manuel,
Executive Assistant ng Business Permits and Licensing Office (BPLIO) na siyang kumatawan kay
Mayor Halili, ay iuukol nila sa rehabilitasyon ng mga bahay na lubos na naapektuhan ng Super
Typhoon Rolly. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Municipality of Tiwi and
Malinao | November 24, 2020) #