Press Releases

You are visitor #

2296229
TodayToday42
This_WeekThis_Week1616
This_MonthThis_Month7110
All_DaysAll_Days2296229

156 TH birth anniversary ni Apolinario Mabini, ginunita sa lungsod ng Tanauan

mabini

Bilang
paggunita sa ika-156 taong anibersaryo ng kapanganakan ng bayaning si Apolinario Mabini,
nagsagawa ng pag-aalay ng bulaklak sa Mabini Shrine na matatagpuan sa Brgy. Talaga,
Tanauan City noong Hulyo 23, 2020. Ang simpleng programa ay naging matagumpay sa
ilalim ng pangangasiwa ng National Historical Commission of the Phillipines sa pamamagitan
ng kanilang kinatawan na si Ms. Olga Palacay, ang “curator” ng naturang “shrine”, kaagapay
ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Mary Angeline Halili at sa
pamamagitan ng tanggapan ng Community Affairs na pinamumunuan ni G. Edison Jallores
Jr. Dumalo din sa naturang okasyon si Batangas Vice Governor Mark Leviste, Vice Mayor
Atty. Herminigildo Trinidad Jr., ABC President Isidro Fruelda, SK Federation President John
Kennedy Macalindong, City Administrator Allan Credo at Kapitan Rico Talagsad ng Brgy.
Talaga na siyang kumatawan sa pamilya ni Gat Apolinario Mabini. Kasabay ng “flower
offering” sa Mabini Shine, nagkaroon din ng kahalintulad na pag-aalay ng bulaklak sa Plaza
Mabini, Poblacion 2 sa nasabi ding lungsod, na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang
Panlungsod na sina Kon. Joseph Castillo, Kon. Herman Trinidad, Kon. Czylene Marqueses,
Kon. Angel Burgos, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Angel Atienza, Kon. Ret. BGen. Benedicto
Corona at Kon. Herman De Sagun, gayundin ng mga punong departamento ng pamahalaang
lungsod. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Jun Mojares and Roderick
Lanting/ July 28, 2020) #

Citizens Charter

charter4

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph