Print
Category: Latest News

Groundbreaking Ceremony ng Tanauan City Banana Processing Plant, idinaos

banana

Pormal na
isinagawa ang “groundbreaking ceremony” ng Tanauan City Banana Processing Plant sa
Barangay Pagaspas noong Hulyo 16, 2020 sa pangunguna ni Mayor Mary Angeline Halili na
nagpahayag ng kanyang suporta sa mga magsasakang kabilang sa naturang programa. Dahil
itinuturing na “multi-commodity facility” ang nasabing planta na pinangangasiwaan ng
Tanauan Organic and Natural Farmers Association Incorporated at Tanauan City Natural
Farming Agriculture Cooperative, ito ay inaasahang makakapagbigay produksyon hindi
lamang ng “banana chips” kundi maging ng “vacuum-fried” okra, sitaw at kalabasa.
Naisakatuparan ang proyektong ito sa pamamagitan ng Philippine Rural Development
Project ng Department of Agriculture katuwang ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan
ng tanggapan ng City Agriculture sa ilalim ng pamumuno ni G. Renato Cunanan. Dumalo rin
sa programang ito ang mga kinatawan ng Department of Agriculture Region 4A. (Maireen
Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Jun Mojares/ July 16, 2020) #