Press Releases

You are visitor #

2310279
TodayToday428
This_WeekThis_Week2682
This_MonthThis_Month3548
All_DaysAll_Days2310279

LSI One Stop Shop, inilunsad sa Tanauan

onestopshop

Sa inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng
Tanauan, sa pangunguna ni City Mayor Mary Angeline Y. Halili kasama ang Sangguniang
Panlungsod sa pamumuno ni City Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr., sinimulang
ilunsad ang Locally Stranded Individual (LSI) One Stop Shop noong Hunyo 8, 2020 sa
Governor Modesto Castillo Memorial Cultural Center. Inupuan ito ng mga kinatawan ng
tanggapan ng City Administrator's Office, City Health Office, DILG-Tanauan City, City Social
Welfare and Development (CSWD) Office, at Tanauan City PNP. Layon ng programang ito na
mapadali ang pagbibigay serbisyo sa mga LSI at mga may "indispensable travels" palabas ng
lungsod na mangangailangan ng partikular na dokumento gaya ng Travel Pass, Medical
Clearance,Travel Authority at kaugnay na koordinasyon mula sa mga nabanggit na
tanggapan. Ang One Stop Shop na ito ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula ika-walo ng
umaga hanggang ika-lima ng hapon. (CIO Tanauan/ LACV | Photo Courtesy: Roderick P.
Lanting - Hunyo 11, 2020)

Citizens Charter

charter4

Parade of Lights 2019

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph