Print
Category: Latest News

womens

2020 National Women’s Month Celebration kick-off, isinagawa ng Tanauan City – Bilang pakikiisa
sa taunang selebrasyon ng “National Women’s Month” tuwing buwan ng Marso, muli na namang
nagpamalas ng kanilang buong suporta ang pamahalaang lungsod ng Tanauan sa isinagawang “kick-
off ceremonies” ng naturang programa kasunod ng “flag raising ceremony” noong Marso 02, 2020.
Ang paglalatag ng mga kaukulang aktibidad para sa selebrasyon ay binigyang daan sa pangunguna ni
Mayor Mary Angeline Y. Halili, Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad, Jr., at mga miyembro ng
Sangguniang Panlungsod sa pamamagitan ng tanggapan ng “Gender and Development.” Nagsilbing
hudyat ng pagsisimula ng selebrasyon na may temang “We Make Change Work for Women” ang
pagsusuot ng kulay lila (purple) ng lahat ng opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan. Dagdag pa
dito ang pagsusuot ng nasabing kulay tuwing araw ng Biyernes sa buong buwan ng Marso bilang
tugon sa #PurpleFriday at pagpapakita ng suporta sa pagsulong ng “Women’s Right and Gender
Equality”. Samantala, ipinahayag ni Ms. Carlota Carandang, kinatawan ng tanggapan ng Gender and
Development (GAD) ng Tanauan City, ang mga aktibidad para sa naturang pagdiriwang. Kabilang dito
ang “Special Voter’s Registration for Women” kaagapay ang Commission on Elections (COMELEC) na
gaganapin sa Gym II mula Marso 12-14. Magsasagawa din ng “Women’s Mini Olympic” sa Marso 21,
22, 28 at 29 na idaraos sa Pres. Jose P. Laurel Memorial Gymnasium I na sasalihan ng mga kasapi ng
lahat ng “women’s organization” sa lungsod kabilang ang Child Development Workers (CDW),
Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers (BHW), Violence Against Women and
Children (VAWC) Desk Officers, Solo Parents, Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), at Samahan ng
Kababaihang Ala Eh ng Tanauan City Incorporated (SKATCI). Magsisilbing “culminating activity”
naman ng okasyon ang “Advocacy Film Showing” na isasagawa sa Marso 31. (Maireen Jenzen Nones
/ CIO Tanauan | Photo Courtesy: Roderick Lanting/March 5, 2020)#