Announcement

 

Emergency Hotline

 

 

 

Announcement

 

 

Press Releases

You are visitor #

2355059
TodayToday197
This_WeekThis_Week931
This_MonthThis_Month13984
All_DaysAll_Days2355059

 

tanauan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng “19 th
Cityhood at 436 th Founding Anniversary” ng lungsod ng Tanauan, pinangunahan ni Mayor Mary
Angeline Y. Halili kaagapay ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty.
Herminigildo G. Trinidad Jr. ang pagbubukas at “ribbon-cutting” ng Tanauan City Community Art
Gallery sa ilalim ng pangangasiwa ng Community Affairs Office noong ika-6 ng Marso, 2020 sa Gov.
Modesto Q. Castillo Memorial Cultural Center. Permanenteng bahagi na ng ikalawang palapag ng
naturang gusali ang “art gallery” na may temang “Likhang Sining Tanauan: Pagkakakilanlan at
Kinabukasan” na siyang nagpapakita ng tanyag at makulay na nakaraan ng lungsod, pagkilala sa
sakripisyo ng mga Tanaueño sa gitna ng hamon sa kanilang mga adhikain na mapalaya ang lipunan at
maglabas ng pag-asang magkaroon ng isang natatanging katangian gayundin ang mga ideya at
hangarin ng mga mamamayan para sa kinabukasan. Tampok dito ang obra ng mga mahuhusay na
Tanaueño “visual artists” na sina G. Charles I. Rivera, G. Rodolfo “Sky”Biscocho, Bb. Janina Sanica at
mga mag-aaral na naging bahagi ng mga nakaraang “on-the spot painting contests and activities” at
“summer art workshops” sa lungsod. Dumalo din sa naturang okasyon ang mga miyembro ng
Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Joseph Castillo, Kon. Herman Trinidad, Kon. Czylene
Marqueses, Kon. Angel Burgos, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Ret. BGen. Benedicto Corona, Kon.
Dra. Kristel Guelos, SK Federation President John Kennedy Macalindong at Acting ABC President
Isidro Fruelda. (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Pauline Jane
Catapang/March 12, 2020)#

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

https://www.tanauancity.gov.ph