Press Releases

You are visitor #

2340725
TodayToday585
This_WeekThis_Week4167
This_MonthThis_Month23649
All_DaysAll_Days2340725

Parade of Lights 2019

Tulong sa mga nasunugan sa Tanauan City, patuloy na ipinapaabot

sunog

Sa pangunguna ni Mayor Mary
Angeline Halili, tuloy-tuloy pa din ang pagbibigay ng tulong sa mga residenteng nasunugan sa Pedro
Carandang St., Brgy. 3 noong gabi ng Enero 4, 2020. Bukod sa unang ipinamahagi na “emergency
relief goods”, binigyan din ni Mayor Halili ng mga appliances tulad ng electric fan, kettle at 2-burner
gas stove ang mga biktima upang magkaroon sila ng panimulang gamit. Ayon kay Ms. Rebecca
Javier, Acting Department Head ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO),
magkakaloob din ang lokal na pamahalaan ng financial assistance sa mga biktima gayundin ng
construction materials na napagkasunduan sa isinagawang City Disaster Risk Reduction Management
Council (CDRRMC) meeting noong Enero 7, 2020 upang muling masimulan ang pagpapatayo ng mga
“totally damaged” na bahay. Nangako din ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice
Mayor Atty. Herminigildo Trinidad Jr. na magbibigay din sila ng pinansyal na ayuda sa mga biktima.
Nagpaabot din ng karagdagang tulong ang ibang pribadong indibidwal at maging ang mga kawani ng
lokal na pamahalaan partikular ang CGT MPA Scholars (Elite 15). Ayon sa datos ng CSWDO,
labingwalong (18) pamilya ang apektado na binubuo ng pitumpo’t apat (74) na indibidwal. Siyam (9)
ang “totally damaged” at anim (6) naman ang “partially damaged” na bahay. (Maireen Jenzen Nones
/ CIO Tanauan | Photo Courtesy: Jun Mojares & CSWD Office / January 9, 2020)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph