Press Releases

You are visitor #

2265557
TodayToday165
This_WeekThis_Week1343
This_MonthThis_Month10024
All_DaysAll_Days2265557

Parade of Lights 2019

18-Day Campaign to End VAW, pinaigting sa Tanauan City

vaw

Inilahad ni Ms. Rebecca D. Javier (kaliwang larawan), namumuno sa tanggapan ng Gender and
Development (GAD) ng lungsod ng Tanauan, ang mga aktibidad na nakapaloob sa “18-Day Campaign
to End Violence Against Women (VAW)” sa pormal na pagbubukas ng programa noong Nobyembre
25, 2019 sa harap ng bagong gusali ng Pamahalaang Lungsod. Makikita naman sa kasunod na
larawan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina (l-r) Kon. Joseph Castillo, SK
Federation President John Kennedy Macalindong, Kon. Ret. BGen. Benedicto Corona, Kon. Dra.
Kristel Guelos, Kon. Angel Atienza, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Czylene Marqueses, Vice Mayor
Atty. Herminigildo Trinidad Jr., Kon. Herman Trinidad, Kon. Angel Burgos at Kon. Herman De Sagun
habang nagpapakuha ng “souvenir photo” sa “I Scream For” AdvocaSelfie Booth bilang pagpapakita
ng kanilang suporta sa naturang kampanya. # (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo
Courtesy: Roderick Lanting & Tanauan City Gender and Development FB page/ November 27, 2019)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – Mas pinaigting na kampanya kontra karahasan sa mga
kababaihan ang pinagsama-samahan sa lungsod na ito sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Mary
Angeline Y. Halili na dinaluhan ni Vice Mayor Atty. Herminigildo Trinidad Jr. at mga miyembro ng
Sangguniang Panlungsod noong Nobyembre 25, 2019 sa bagong gusali ng Pamahalaang Lungsod.
Sa pamamagitan ng tanggapan ng Gender and Development na siyang tagapangasiwa ng programa,
ang nasabing kampanya ay tatagal hanggang Disyembre 12, 2019 at ito ay may temang “VAW-Free
Community Starts With Me”. Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga mamamayan na
makiisa sa pagsugpo ng karahasan at anumang uri ng pang-aabuso laban sa mga kababaihan.
Nagsilbing hudyat ng simula ng naturang kampanya ang pagsusuot ng mga opisyal, kawani ng
pamahalaang lungsod at mga nakiisang miyembro ng iba’t ibang people’s group ng damit na kulay
kahel (orange) na siyang sumisimbulo sa pag-asa at optimistikong kinabukasan na walang karahasan.
Bilang kinatawan ni Mayor Halili, ipinahayag ni Vice Mayor Atty. Trinidad ang kahalagahan ng mga
kababaihan sa lipunan. Pinangunahan din niya ang “Declaration of Support to 18-Day Campaign to
Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

End VAW” at kasunod nito ang paghikayat niya sa bawat isa na makiisa at maging bahagi ng maigting
na kampanya upang makamit ang “VAW-free Tanauan City”.
Samantala, inilahad ni Ms. Javier ang iba’t ibang aktibidad na napapaloob sa labingwalong (18) araw
na kampanya. Kabilang dito ang “office decoration contest” na may temang “Orange your Icon for
18 Days Advocacy Initiative (November 25-December 12, 2019)”, “Orange Fridays” o ang pagsusuot
ng mga kawani ng bawat tanggapan ng nasabing kulay sa dalawang magkasunod na araw ng
Biyernes, Nobyembre 29 at Disyembre 6, 2019, at ang “I Scream For” AdvocaSelfie Booth kung saan
maaring magpakuha ng larawan na nagpapakita ng pagsuporta sa kampanya na ilalabas naman sa
opisyal na “facebook page” ng GAD Tanauan City. Matatagpuan ang photobooth sa bagong gusali ng
Pamahalaang Lungsod at magkakaroon din sa Activity Center ng Waltermart Tanauan City kasabay
ng paglalagay ng “I VOW To End VAW Commitment Wall” sa naturang establisimyento sa Disyembre
2 hanggang 6.
Kasama din sa nakapaloob na gawain ng programa ang “Child and Youth Congress” na naka-iskedyul
sa Nobyembre 27 hanggang 29 sa Tanauan City Gymnasium I gayundin ang RA 9262 & Basic Crisis
Intervention Seminar na gaganapin naman sa Gov. Modesto Castillo Cultural Center sa Disyembre
11 at 12, 2019.
Upang higit na mapalawig ang kamalayan at kaalaman hinggil sa programa, mamimigay ang
tagapangasiwang tanggapan ng mga “Information, Education and Communication (IEC) Materials” sa
iba’t ibang lugar na nasasakupan ng lungsod.
Hinihikayat din ang lahat na makilahok sa “online advocacy” sa pamamagitan ng pag-“upload” sa
“social media” ng mga larawan at impormasyon na may kinalaman sa pagsupil sa karahasan sa
kababaihan kaakibat ang paglalagay ng “#VAWfreePH”. # (Maireen Jenzen Nones / CIO Tanauan |
Photo Courtesy: Roderick Lanting & Tanauan City Gender and Development FB page / November 27,
2019)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph