Press Releases

You are visitor #

2265563
TodayToday171
This_WeekThis_Week1349
This_MonthThis_Month10030
All_DaysAll_Days2265563

Parade of Lights 2019

Tanauan City’s “Session on Wheels”, muling umarangkada

session

Sa pangunguna ni Vice Mayor
Atty. Herminigildo Trinidad Jr. at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, muling isinagawa sa
ikatlong pagkakataon ang “Session on Wheels” noong Nobyembre 18, 2019 sa Brgy. Pantay Bata na
dinaluhan din ng mga opisyal ng Brgy. Pagaspas at Brgy. Pantay Matanda. Layunin ng programang
ito na ilapit sa mga tao ang ginaganap na regular na sesyon ng SP at magsilbing tulay na rin upang
talakayin ang iba’t ibang isyu at problema ng mga barangay na maaaring matugunan ng
kasalukuyang pamahalaan. Naging paksa ng talakayan ang paghahakot ng basura sa barangay,
pagpapatayo ng covered court, solar street lights, pagsasaayos ng mga “open canal”, pagpapagawa
ng karagdagang kalsada na magdudugtong sa mga “isolated areas” patungong “main road”,
rehabilitasyon ng “Trapiche-Pagaspas road” at paglalagay ng mga “drainage canal” upang mabigyang
lunas ang pagbaha. Pinagtuunan din ng pansin ang isyu ng karagdagang “employment” sa ilang
pabrika na nasa loob ng First Philippine Industrial Park na binigyang kasagutan naman ni G. Marco
Amurao, Community Relations Officer ng FPIP. Kumpleto sa naturang sesyon ang mga miyembro ng
Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Joseph Castillo, Kon. Herman Trinidad, Kon. Simeon Platon,
Kon. Czylene Marqueses, Kon. Angel Burgos, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Angel Atienza, Kon. Ret.
BGen. Benedicto Corona, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Herman De Sagun, SK Federation President
John Kennedy Macalindong, at Liga ng mga Barangay Acting President Isidro Fruelda. (Maireen
Jenzen Nones / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Roderick Lanting & Keith Benedict Fadriquilan/
November 20, 2019)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph