Press Releases

You are visitor #

2232757
TodayToday127
This_WeekThis_Week3545
This_MonthThis_Month7592
All_DaysAll_Days2232757

Parade of Lights 2019

PHOTO EXHIBIT NA KUMIKILALA SA MGA BAYANI NG TANAUAN, BINUKSAN

Maria Teresa S. Buño /CIO-Tanauan | October 29, 2019

last

Ang mga city officials sa pangunguna ni Vice
Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad, Jr., mga
miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Joseph Castillo, Kon. Herman Trinidad, Kon.
Czylene Marqueses, Kon. Angel Burgos, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Angel Atienza, Kon.
Benedicto Corona, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Herman de Sagun, SK Federation President John
Kennedy Macalindong, at Acting ABC President Isidro Fruelda, Mr. Casiano Saniano, Executive
Assistant na siyang kumatawan kay Mayor Mary Angeline Y. Halili at Mr. Fortunato Dimayuga Jr.,
Sports Development Office Head kasama ang mga tampok sa binuksang “Project Bayan-Ani: Sino
ang Bayani Mo?” Photo Exhibit na mga koponan ng baseball at softball gayundin ang mga sumikat sa
“shadow play” na El Gamma Penumbra na ginanap sa City Museum noong Oktubre 28, 2019. (Photo
Courtesy: Roderick P. Lanting| CIO Tanauan)


LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – “Taos puso po akong nagpapasalamat sa
pamunuan ng Tanauan City sa inyong programang napakaganda, programang
napakarami na pong natulungan, programa pong nagbibigay pag-asa sa mga bata.” Ito
ang naging pahayag ni Gng. Junie C. Tapia, ina ng tatlong “baseball players” na
nakapaglaro para sa koponan ng lungsod na labis-labis ang pasasalamat sa suportang
natatanggap mula sa lokal na pamahalaan sa isinagawang pagbubukas ng “photo
exhibit” na pinamagatang “Project Bayan-Ani: Sino ang Bayani Mo?” sa City Museum
noong Oktubre 28, 2019.
Ayon pa sa naturang ginang, ang pagpapatuloy ng mga “sports development programs”
ng lungsod ang nagbukas ng daan sa kanyang mga anak upang mabigyang katuparan
ang pangarap ng mga ito na makapag-aral ng maayos. Isa si Gng. Tapia sa mga
nagpatotoo sa inilaang pagpapahalaga ng pamahalaang lungsod sa mga munting
manlalaro nito partikular sa mga koponan ng baseball at softball na isa sa mga tampok
ng binuksang eksibisyon.

Bukod sa buong suporta, paggabay at pagmamahal niya sa kanyang mga anak, sinabi
ng naturang ginang na dahil sa suporta ng pamunuang lungsod, patuloy na paghubog
ng mga “coaches” sa abilidad ng mga bata at pangangalaga ng mga kawani ng “Sports
Development Offices,” dalawa sa tatlong anak nito ay nag-aaral na sa isang
prestihiyosong unibersidad (University of Sto. Tomas) bilang mga “baseball varsity
players” kung saan kabilang sa kanilang mga natatanggap na benepisyo ay ang
pagkakaroon ng 100% full scholarship, libreng tirahan, libreng mga kagamitan sa
paglalaro, libreng pagpapaospital at monthly allowance. Ibinida din nito na ang isa rin
niyang atletang anak ay nakatatanggap rin ng kaukulang monthly allowance sa
eskuwelahang pinapasukan nito.
Isinagawa ang “ribbon cutting ceremony” ng nasabing “exhibit” sa pangunguna nina Vice
Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad, Jr., mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod
na sina Kon. Joseph Castillo, Kon. Herman Trinidad, Kon. Czylene Marqueses, Kon.
Angel Burgos, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Angel Atienza, Kon. Benedicto Corona,
Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Herman de Sagun, SK Federation President John
Kennedy Macalindong, at Acting ABC President Isidro Fruelda, at Mr. Casiano Saniano,
Executive Assistant na siyang kumatawan kay Mayor Mary Angeline Y. Halili.
Sa naging pahayag ni Vice Mayor Trinidad, sinabi nito na napapanahon ang
pagsasagawa ng programa sapagkat hindi biro ang karangalang ibinibigay ng
napakaraming Tanaueño sa lungsod at sa pamamagitan ng pagkilala sa mga ito, unti-
unting makapagbabalik ang pamunuan ng lokal na pamahalaan sa mga natatanging
ambag ng mga ito. “ It will take so much time for us to produce another Mabini or Laurel
para masabing nadagdagan ang bayani ng Lungsod ng Tanauan but I don’t believe in
that statement because today, ang dami nating buhay na bayani,” dagdag pa ng opisyal.
Tampok sa mga binigyan ng karangalan sa eksibisyon ang mga larawan at memorabilia
ng mga itinuturing na bayani ng lungsod, ang mga world-class athletes na baseball at
softball teams gayundin ang mga world-class performers na El Gamma Penumbra.
Bukod sa mga nagsalaysay ng kani-kanilang naging karanasan sa larangang kanilang
kinabilangan, mapa-sports o pagtatanghal, kabilang din sa mga nagbigay ng mensahe si
G. Fortunato Dimayuga, Jr., ang City Sports Development Office Head. Isa sa kanyang
binigyang diin ang mataas na pagtingin ng ibang mga koponan sa mga manlalaro
“batters” mula sa Tanauan City. Mariin siyang sumang-ayon sa naging pahayag ni Vice
Mayor Trinidad na sa Pilipinas, pag sinabing softball at baseball, ang itinuturing na
capital ay Tanauan.
Sa pananalitang pangwakas ni G. Saniano ng Mayor’s Office, siniguro nito na
magpapatuloy ang pagsuporta ng pamahalaang lungsod sa mga itinuturing na“city’s
pride.” Muli din nitong binigyang halaga ang slogan ng lungsod na “Tanaueño, the best
ka!”
Ang programa ay isinakatuparan sa pamamagitan ng Community Affairs Office at
nagsilbing guro ng palatuntunan si Ms. Remy Azul. # (Maria Teresa S. Buño| CIO-
Tanauan)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph