Press Releases

You are visitor #

2219190
TodayToday172
This_WeekThis_Week685
This_MonthThis_Month6262
All_DaysAll_Days2219190

Parade of Lights 2019

Kauna-unahang Mr. & Ms. Tanauan City Hall, kinilala

mr

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS –Labing-anim na pares mula sa iba’t-ibang tanggapan ng
Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang nagharap-harap upang masungkit ang titulo ng kauna-
unahang Mr. & Ms. Tanauan City Hall sa patimpalak na isinagawa noong Biyernes, Setyembre 27,
bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-119 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Ang programa na isinagawa sa pangunguna ni City Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili na kinatawan
ni City Administrator Allan P. Credo, Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr. at ang mga
miyembro ng Sangguniang Panglungsod ay naglalayong higit na palakasin ang kumpiyansa sa sarili ng
mga empleyado at maging bihasa sa pagharap sa maraming tao lalo pa’t ang larangan ng serbisyo
publiko ay nagtataglay ng kakayahan sa agarang pagtugon sa mga mahahalagang pangangailangan
ng mga mamamayan.
Sa naturang kompetisyon, ibinida ng mga kalahok ang kanilang “casual” at “semi-formal wear” at
nakipagtagisan ng talino sa “Question and Answer portion”.
Hinirang na Mr. & Ms. Tanauan City Hall sina Mr. Ian Kenneth Redondo ng City Accounting Office at
Ms. Angeline Aringo ng General Services Office (GSO) samantalang kinilala naman bilang 1 st runner-
up sina Mr. Liel Roe Salazar ng Sports Development Office (SDO) at Ms. April Joy De Torres ng City
Social Welfare and Development (CSWD), at 2 nd runner-up sina Mr. Vhilly Joe Villar ng Gender and
Development Office (GAD) at Ms. Aizza P. Dalisay ng City Agriculture Office (Agriculture).
Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

Kabilang naman sa mga pinagkalooban ng kaukulang “special awards” sina Mr. SDO at Ms. GSO para
sa Best in Production Number, Best in Casual Wear sina Mr. GAD at Ms. GSO, Photogenic sina Mr.
Benz Harold Tabanag at Ms. Rachelle Buno ng BPLIO, Mr. & Ms Congeniality sina Mr. GAD at Ms.
BPLIO, Mr. & Ms. Mc Smile sina Mr. Jeffrey Amurao ng City Health Office at Ms. CSWD, Netizen’s
Choice Award sina Mr. BPLIO at Ms. Agriculture, Best in Semi-formal Wear sina Mr. BPLIO at Ms.
Agriculture at Employee’s Choice Award sina Mr. Health at Ms. Ma. Reinelle Maliksi ng Sangguniang
Panlungsod.
Kaugnay pa rin sa naturang selebrasyon, isinagawa ang taunang pagpaparangal ng mga natatanging
kawani ng pamahalaang lungsod na nagpakita ng magandang ehemplo at dedikasyon sa kanilang
trabaho. Pinarangalan sina Maribel U. Enriquez bilang “Model Job Order Employee”, Sherwin M.
Rimas bilang Model 2 nd Level Employee at Emelda O. Padilla bilang “Model 1 st Level Employee”.
Binigyang pagkilala rin ang mga kawaning naglingkod sa lokal na pamahalaan sa mahabang panahon.
Kabilang dito sina Maxima Ama, Victorina Cacayorin, Lorna Lapitan, Barbara Olea, Elena Muhallin at
Bernard Tapia na naglingkod ng 30 taon at sina Lorenzo Pedraja at Julia Rimas na 40 taon sa serbisyo.
Nagsagawa din ng iba’t ibang aktibidad sa tinaguriang “Grand Fun Friday” tulad ng “Parade of
Heroes” kung saan pumarada ang mga kawani suot ang iba’t-ibang “superhero costumes”,
“Employees Food Expo/Bazaar” tampok ang mga produktong gawa ng mga empleyado, “Amazing
Mindgames”, “judging of office decoration” na may temang ‘Superheroes’, libreng masahe at gupit
ng buhok at ang “Grand Zumba” pagkatapos ng “coronation night”.
Kabilang sa mga nakiisa sa pagtitipon na ito ang mga SP Members na sina Kon. Joseph Castillo, Kon.
Simeon Platon, Kon. Czylene Marqueses, Kon. Angel Burgos, Kon. Glen Win Gonzales, Kon. Dra.
Kristel Guelos Kon. Herman De Sagun at SK President John Kennedy Macalindong kasama si Chief of
Staff Wilfredo Ablao. # (CIO Tanauan/ Louise Anne C. Villajuan & Maireen Jenzen O. Nones| Photo
Courtesy: Roderick Lanting – October 2, 2019).#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph