Press Releases

You are visitor #

2219190
TodayToday172
This_WeekThis_Week685
This_MonthThis_Month6262
All_DaysAll_Days2219190

Parade of Lights 2019

SIPAG Program para sa “drug surrenderers” ng Tanauan, muling isinagawa

drugsu

Makikita sa kaliwang larawan sina (l-r) ACOP LTCOL Jack E. Angog ng Tanauan City PNP, Mayor Mary Angeline
“Sweet” Halili, Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr., CLGOO Lorna M. Silva at Pastor Manny Medrana
mula sa Tanauan Evangelical Alliance of Ministries (TEAM) matapos tumanggap ng “Certificate of
Appreciation” ang Punong Lungsod bilang “guest speaker” sa muling paglulunsad ng Simula ng Pag-asa (SIPAG)
Program. Samantala, nasa kanang larawan ang mga nagsidalo upang makiisa sa naturang programa. (Maireen
Jenzen Nones/CIO Tanauan – Photo Courtesy: Jun Mojares)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – Ipinagpapatuloy sa lungsod na ito ang Simula ng Pag-asa (SIPAG)
Program na muling inilungsad noong Setyembre 19, 2019 sa pangunguna ni ACOP LTCOL Jack E. Angog ng
Tanauan City Police Station sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod, Department of Interior and Local
Government (DILG) at ng Tanauan Evangelical Alliance of Ministries (TEAM).
Ang programa na ginanap sa Gov. Modesto Castillo Memorial Cultural Center ay naglalayong matugunan ang
emosyonal, pisyolohikal maging ispiritwal na suliranin na pinagdadaanan ng mga suspected “drug dependents”
mula sa lungsod.
Sa naging pahayag ng butihing ina ng lungsod, Mary Angeline Y. Halili na nagsilbing “guest speaker” ng
palatuntunan, siniguro nito na nakahanda siyang tulungan na magkaroon ng kabuhayan o hanapbuhay ang
sinumang sasailalim at magsisipagtapos sa naturang “12-week Moral Recovery Program for Drug
Surrenderers”.
Ang “community based intervention program” na ito ay nakatakda pang paigtingin sa pamamagitan ng City
Anti-Drug Abuse Council (CADAC), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), barangay
officials at iba pang volunteer pastors mula sa lungsod.
Sa pagpapatuloy ng programa na itinuturing ding “rehabilitation program” ng mga “drug surrenderers” na
naunang inilungsad sa kooperasyon ng Dangerous Drugs Board (DDB), local religious sectors, business sectors,
NGO’s, PNP at mga nakikiisang LGU, inaasahan na magiging agaran ang pagsugpo ng lungsod sa droga upang
tuluyang maideklarang “drug-free” ang lahat ng barangay na nasasakupan nito.

Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

Kabilang sa mga nakiisa sa programa sina Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr., City Local Government
Operations Officer (CLGOO) Lorna M. Silva, Pastor Manny Medrana ng TEAM at Chief of Staff Wilfredo P.
Ablao. (Maireen Jenzen Nones/CIO Tanauan – Photo Courtesy: Jun Mojares | September 26, 2019) #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph