Press Releases

You are visitor #

2205026
TodayToday328
This_WeekThis_Week2440
This_MonthThis_Month10046
All_DaysAll_Days2205026

Parade of Lights 2019

15th Palarong Bayani, umarangkada sa Tanauan City

Maireen Jenzen Nones /CIO-Tanauan | August 01, 2019

bayani

 

Makikita sa larawan sina Bernie Bohol, itinanghal na Champion at Nestor Sumaya, 2nd runner-up ng isinagawang “wheelaton” na bahagi ng 15th Palarong Bayani na ginanap noong Hulyo 26, 2019 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-155 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Apolinario Mabini. Naroon upang makiisa sa pagkakaloob ng premyo sa mga nagwagi sina City Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr. kasama ang mga City Councilors na namamahala ng Committee on Tourism, Archives & Historical Matters na sina Glen Win Gonzales (Chairman), Dra. Kristel Guelos (Member), at Herman de Sagun (Member). Kabilang din sa mga sumaksi sa pagpaparangal sina G. Casiano Saniano, Executive Assistant na siyang kumatawan kay City Mayor Angeline Y. Halili at Gng. Angelina Amat, Department Head ng Community Affairs Office. (Photo Courtesy: Roderick P. Lanting| CIO Tanauan)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-155 taon ng kapanganakan ni Apolinario Mabini, muling umarangkada sa lungsod na ito ang ika-labing limang taong “Palarong Bayani” na pinangunahan ni Mayor Mary Angeline “Sweet” Y. Halili, Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod noong Hulyo 26, 2019.

 

 

Tampok sa naturang palaro ang wheelaton na nagsimula sa Plaza Mabini ng Brgy. Poblacion 2 patungong Mabini Shrine ng Brgy. Talaga na nilahukan ng mga “Persons with Disability” (PWD) na kasapi ng iba’t ibang organisasyon buhat sa Luzon. Kabilang sa iba pang laro na isinagawa ang basketball on wheels, badminton on wheels at table tennis na ginanap sa Brgy. Talaga Gymnasium gayundin ang chess on wheels at duyan race na idinaos naman sa Mabini Shrine.

 

 

Ang mga itinanghal na kampeon ng bawat paligsahan ay ang mga sumusunod:  Bernie Bohol (Wheelaton – 3 Wheels), Joseph Asoque (Wheelaton – 4 Wheels Male), Lita Paz (Wheelaton – 4 Wheels Female), koponan mula sa Pasig City (Basketball on Wheels), Anthony Pe Benito (Chess on Wheels Male), Lenie Bonapos (Chess on Wheels Female), Manuel Repato (Table Tennis on Wheels Male), Marie Concepcion (Chess on Wheels Female), Lita Paz at Ronnie Falco (Badminton on Wheels Mixed-Doubles), at sina Cedrick Papa, Anthony Villamin, Kyle John Papa (Duyan Race).

 

 

Naroon naman upang pangunahan at saksihan ang pagkakaloob ng papremyo sa mga nagwagi sina City Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr., at City Councilors na namamahala ng Committee on Tourism, Archives & Historical Matters na sina Glen Win Gonzales (Chairman), Dra. Kristel Guelos (Member), at Herman de Sagun (Member). Kabilang din sa nakiisa sina G. Casiano Saniano, Executive Assistant at siyang kumatawan kay City Mayor Angeline Y. Halili, at Gng. Angelina Amat, Department Head ng Community Affairs Office.

 

 

 

Samantala, ang mga organisasyon na nakiisa para sa higit na ikatatagumpay ng programa ay kinabibilangan ng Manila East Safety Riders Association of Rizal (MESRARI), Tahanang Walang Hagdanan Inc., PDAO Tanauan City, Samahan ng mga may Kapansanan sa Tanauan (SAMAKATA), PDAO San Jose City Nueva Ecija, Municap Obando Bulacan, Boses ng may Kapansanan-Marilao Bulacan, Boses ng may Kapansanan-City of San Jose Del Monte Bulacan, PWD Balagtas Bulacan, PDAO Los Baños Laguna, PSWDO Batangas, Pambansang Koalisyon ng may Kapansanan para sa Pagbabago (PKKP), PWD Makati City, Caloocan Person with Disabilities Zone Association Inc. (CPWD), PDAO Silang Cavite, PSWDO Nueva Ecija, Municipality and PWD Org of San Pascual, Batangas, LGU and PWD Organization of Angono Rizal, at LGU and PWD Organization of Pasig City.# (Maireen Jenzen Nones | CIO Tanauan)

 

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph