Press Releases

You are visitor #

2205026
TodayToday328
This_WeekThis_Week2440
This_MonthThis_Month10046
All_DaysAll_Days2205026

Parade of Lights 2019

155 th birth anniversary ni Mabini, ipinagdiwang

cebmabini

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Bilang pagdiriwang ng ika-155 taon ng kapanganakan
ni Apolinario Mabini noong Hulyo 23, 2019, isinagawa ang floral offering na pinangunahan
nina Mayor Angeline Y. Halili, Vice Mayor Herminigildo Trinidad, Jr., mga miyembro ng
Sangguniang Panlungsod, department heads at kinatawan ng iba't ibang organisasyon na
sinimulan sa Plaza Mabini, Brgy. Poblacion 2 ganap na 6:30 ng umaga na sinundan din ng
kaugnay na pag-aalay ng bulaklak sa mismong puntod ng pambansang bayani sa Mabini
Shrine, Brgy. Talaga.
Nagsagawa rin ng kaukulang programa upang bigyang halaga ang mga natatanging ambag
ng naturang bayani kung saan nagsilbing mga panauhing pandangal si Grand Master Most
Worshipful Bro. Agapito Suan, Jr. ng Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted
Masons of the Philippines. Kanyang ibinahagi ang kontribusyon ni Mabini na may Masonic
name na “Catabay" (Katabay) sa Philippine Masonry. Gayundin, binigyang-diin din niya ang
malaking bahagi ng naturang bayaning Tanaueño upang makamtam ng bansa ang
demokrasya. Aniya, “If it not for Mabini, we will not be priding ourselves today as the 1st
democratic republic in Asia.” Samantala, nag-iwan siya ng panawagan sa bawat isa na
nawa’y patuloy na gawing inspirasyon si Mabini at isantabi ang “political differences” at
magtulong-tulong sa paggawa para sa ikabubuti ng bayan. Ayon pa sa kanya, “only then can
we proclaim on the occasion of his 155th birth anniversary today that Mabini’s life and
works have never been in vain.”

Bilang kinatawan ng angkan ni Mabini, nagpahayag ng kaukulang tugon sa naging mensahe
ng mga opisyal patungkol sa mga kontribusyon ng naturang pambansang bayani si G. Ruben
Mabini. Sa kanyang mensahe, tinuran niya ang akda ni Mabini na “Ang Tunay na Dekalogo”
kung saan iniwan niyang hamon sa mga dumalo ang balikang-aral ito. Ayon sa kanya, sa
Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

pamamagitan nito “Tayo po ay makakapulot ng mga bagay na maisasagawa sa ating
pamilya, sa ikabubuti ng ating pamayanan, barangay at ng ating lungsod.”
Nakiisa rin sa pagdiriwang sina Former Governor Jose Antonio Leviste, Acting Governor
Mark Leviste, 3 rd district Congresswoman Ma. Theresa Collantes, Executive Director Ludivico
Badoy ng National Historical Commission of the Philippines, P/Lt.Col. Jack Echman Angog,
Acting Chief of Police- Tanauan City, at mga Tagapangulo at miyembro ng mga socio-civic at
religious organizations ng lungsod.
Sa nasabing palatuntunan ay isinagawa rin ang pagkilala sa mga kalahok na nagwagi sa Essay
Writing Contest noong Hulyo 11, 2019 na may temang “Duyan ng Kasaysayan ng Kagitingan,
Adhikain ng mga Bagong Bayani ng Bayan”. Nasungkit ni Ma. Elma P. Evangelista ng Ulango
Integrated School ang 1 st place sa kanyang akdang pinamagatang “Pangingibabaw sa
Kahusayan”. Kinilala rin ang mga akda nina Via Marjorie C. Dela Cruz ng Bernado Lirio
Memorial National High School na “Hinirang” (2 nd place) at Ella Catherene N. Gonzales ng La
Consolacion College Tanauan na may pamagat na “Kuwentong Maskara para sa Pagsigaw ni
Apolinario Mabini” (3 rd place). (CIO Tanauan/LACV – July 25, 2019 | Photo Courtesy:
Roderick Lanting)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph