Press Releases

You are visitor #

2221122
TodayToday217
This_WeekThis_Week2617
This_MonthThis_Month8194
All_DaysAll_Days2221122

Parade of Lights 2019

Mga aktibidad para sa ika-155 na kaarawan ni Mabini, kasado na

mabini

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Ilang linggo bago ang ika-155 kaarawan ni Gat.
Apolinario Mabini, inilatag ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni City Mayor Mary
Angeline “Sweet” Halili, sa pamamagitan ng tanggapan ng Community Affairs, ang mga
nakalinyang aktibidad para sa taunang pagdiriwang ng kaarawan ng naturang
bayani. Sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the
Philippines, kabilang sa mga programang inihanda ang patimpalak
sa pagsulat ng sanaysay na bukas para sa mga Junior Highschool na mag-aaral
mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod (Hulyo 11), ang
pagbibigay ng “lecture” na may temang ‘Ang Pangulo at ang Tagapayo’ na
gaganapin sa Mabini Shrine, Brgy. Talaga (Hulyo 17), pagdiriwang ng 41st National Disability Prevention and Rehabilitation
Week mula Hulyo 17-23, Dep-Ed Cultural Presentation sa Hulyo 18, 15 th Palarong Bayani
(Hulyo 19), Lakbay Aral ng mga Grade 6 & 10 students sa Tanauan City at ang Floral Offering
at Culminating Program sa darating na Hulyo 23 na dadaluhan ng mga kamag-anak ni Mabini
kasama ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan at mga kinatawan ng iba’t-ibang
organisasyon.
Ipinanganak si Mabini noong Hulyo 23, 1864 sa Barangay Talaga at tinaguriang”Utak ng
Himagsikan” at “Dakilang Lumpo”. Bilang pagpaparangal sa kanya, sa bisa ng Proclamation
No. 2367 s. 1984, idineklara ang araw ng kanyang kapanganakan bilang “Mabini Day” at
“special non-working holiday” sa buong lalawigan ng Batangas. (CIO Tanauan/LACV – July 7,
2019 | Photo Courtesy: Roderick Lanting)#

 

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph