Press Releases

You are visitor #

2221121
TodayToday216
This_WeekThis_Week2616
This_MonthThis_Month8193
All_DaysAll_Days2221121

Parade of Lights 2019

1 st death anniversary ni Mayor Thony Halili, ginunita

mt

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Bakas pa rin ang pangungulila, sama-samang dumalo sa isang
misa ang mga miyembro ng pamilya Halili, na pinangunahan ni bagong halal na mayor Mary Angeline
“Sweet” Y. Halili at ina nito na si Gng. Gina Halili, kasama ang mga kawani ng pamahalaang lungsod
at mga malalapit na kaibigan, upang gunitain ang ika-unang taon ng kamatayan ni Mayor Antonio C.
Halili, ang tinaguriang “Iron Man” ng Tanauan City, noong Hulyo 2, 2019 na ginanap sa mismong
pinangyarihan ng pagpaslang sa kanya sa New Tanauan Cityhall grounds.
Inalala sa nasabing pagtitipon ang mga makabuluhang kontribusyon ng yumaong alkalde sa larangan
ng pampalakasan, edukasyon, kalusugan, “peace and order”, imprastraktura at marami pang iba.
Ilan sa mga ito ang pagsusulong ng mga makabuluhang proyektong pang-imprastraktura para sa pag-
angat at pag-lago ng lokal na ekonomiya, pagpapatupad ng 100 proyekto sa kanyang unang 100
daang araw ng panunungkulan, pagsusulong ng propesyonalismo sa larangan ng Serbisyo Publiko,
pagpapakilala at pagsuporta sa mga programang nagtulak upang lubos na maging tanyag ang
Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

lungsod di lamang sa bansa kundi sa buong mundo sa pamamagitan ng “parade of lights” at mga
parangal sa World Champion Baseball and Softball teams, pagtanggap ng lokal na pamahalaan ng
mga karangalan sa ilalim ng kanyang pamumuno, pagbibigay ng boses sa mga maliliit na sektor ng
lipunan at pagsasagawa ng mga kakaiba subalit epektibong pamamaraan ng paglaban sa
kriminalidad.
Kabilang sa mga nagbahagi ng kanilang mga magagandang karanasan kasama ang yumaong Punong
Lungsod sina City Vice Mayor Atty. Herminigildo Trinidad Jr., District Representative Ma. Theresa V.
Collantes, Former Congressman Sonny Collantes, Former Vice Mayor Manny Barradas, Pastor Danny
Velasco ng TEAM, Allm Nastroden I. Alamada ng Muslim Affairs, Mr. PJ Licarte ng Knight of
Columbus, Mr. Dennis Medrana ng Iglesia ni Cristo, Mr. Fortunato Dimayuga ng Rotary Club of
Tanauan, Mr. Patrick Mendoza ng ERPAT, Mr. Gerry Laresma ng Lion’s Club at Mr. Manny Lascano ng
T.I Batch ’63.
Bilang tugon mula sa pamilya Halili, nagbigay ng mensahe ang anak ng nasawi na punonglungsod na
si Mayor Sweet Halili. Ibinahagi niya ang mga masasayang alaala niya bilang “daddy’s girl” gayundin
ang laging bilin nito sa kanya na laging maging “resilient”. Aniya, hindi sya kailanman makakapag
“move-on” at buong buhay syang mangungulila sa yumaong ama. Kaakibat nito, nag-iwan siya ng
mga katagang, “I will continue every work that he has begun, everything that he has started... It will
live on forever because Tanauan City, Batangas deserves this. The Tanaueños deserve to have a
progressive city”. Upang magkaroon ng katugunan ito, panawagan niya,“We must all unite. We must
all have a common goal and set aside all our differences. Because with unity, there is progress.”
Matapos ang misa, nagtungo ang buong pamilya Halili kasama ang iba pang opisyal ng lungsod at
ilang department heads sa puntod ni Mayor Thony sa Loyola Gardens upang magbigay-pugay. (CIO
Tanauan-LACV | Photo Courtesy: Jun Mojares | July 4, 2019)#

 

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph