Press Releases

You are visitor #

2176504
TodayToday337
This_WeekThis_Week41
This_MonthThis_Month6647
All_DaysAll_Days2176504

1 st Tanauan City College commencement exercises, idinaos

tcc

Si Dr. Raymundo Arcega (kanang larawan), CESE,
Executive Vice President ng University of Makati, habang ibinibigay ang kanyang mensahe bilang “Guest
Speaker” sa 1 st Commencement Exercises ng Tanauan City College noong Hunyo 1, 2019 na ginanap sa Plaza
Mabini, Poblacion 2.


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Makasaysayan. Limang taon matapos ang
pagkakatatag ng Tanauan City College (TCC), nagmartsa ang kauna-unahang “batch” ng mga
nagsipagtapos para sa 1 st Commencement Exercises ng naturang kolehiyo na may temang “
Ang Pagtatapos: Pinanday sa Tamabahayan ng mga Pangarap” noong Hunyo 1, 2019 na
ginanap sa Plaza Mabini, Brgy. Poblacion 2.
Iniharap ni TCC President Michael E. Lirio kay City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor,
Chairperson ng Board of Trustees, ang may kabuuang bilang na animnapu’t-dalawa, na
kinabibilangan ng 23 na “graduates” ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship
(BSENTREP), at 39 “graduates” mula naman sa kursong Bachelor of Technical-Vocational
Teacher Education (BTVTED).
Sa mensahe ni Mayor Villamor, sinariwa niya ang pagsisimula ng TCC kung saan ang
pagkakatatag nito ay bunga ng inisyatiba ng ating yumaong Mayor Thony Halili na mariing
sinuportahan ng sangay ng lehislatibo. Aniya, “Ito ay upang matugunan ang mga
pangangailang pang-edukasyon ng lungsod partikular sa “tertiary education.” Nag-iwan din
siya ng hamon sa batch 2019 bilang kauna-unahang batch na magsisipagtapos sa kolehiyo.
Aniya, “nawa ay magsilbi rin kayong inspirasyon sa mga susunod na batch at sa iba pang
mga nagnanais ring makapag-aral sa kolehiyo.”
Pinangunahan din niya ang pagbibigay pugay sa lahat ng bumubuo ng Tanauan City College
sa pangunguna ni G. Mike E. Lirio, ang Presidente at College Administrator, mga miyembro
ng Board of Trustees, Tanauan Institute Batch ’63 sa pangunguna ni Mrs. Gina Halili, mga
guro, propesor na masisigasig na nagturo sa mga mag-aaral na Tanaueño, at sa mga
magulang ng mga “graduates”.

Samantala, nagsilbing panauhing tagapagsalita si Dr. Raymundo Arcega, CESE, Executive
Vice President ng University of Makati na tumayo rin bilang isa sa mga “resource persons”
noong maitatag ang TCC taong 2013. Sa kanyang mensahe, binigyang diin niya ang
kahalagahan ng tagumpay ng mga nagsipagtapos dahil sa kahusayan at integridad. Aniya, “I
hope that your success in the future will affirm the quality of education that you have been
provided by the City Government of Tanauan and Tanauan City College.” Ipinaabot din niya
ang lubos na paghanga at pagbati sa pagkakabilang ng TCC sa 119 Local Colleges and
Universities na Commission on Higher Education Institution o CHED-accredited institution sa
loob pa lamang ng limang taon. Bago tuluyang matapos ang kanyang pagsasalita, isang
panalangin ang pinangunahan niyang ialay sa yumaong punonglungsod Antonio Halili na
siyang nagpanukala sa pagtatatag ng naturang kolehiyo.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagtitipon ang mga miyembro ng Sangguniang
Panlungsod na sina Konsehal Joseph Castillo at Konsehal Herman Trinidad kasama si Vice
Mayor-elect Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr. (CIO Tanauan-LACV | Photo Courtesy: Jun
Mojares | June 6, 2019)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph