Print
Category: Latest News

2018 BAR PASSERS, KINILALA.

barpasser

2018 BAR PASSERS, KINILALA. Upang parangalan ang mga pumasa sa 2018 Bar
Examination, isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod sa
pangunguna ni City Vice Mayor BGen. Benedicto C. Corona (Ret.). Sa isinagawang
flag raising ceremony ng pamahalaang lungsod noong Mayo 30, 2019, iginawad ni
City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor ang plake na naglalaman ng naturang
resolusyon kina Atty. Jose Mari C. Corona (kaliwang larawan), kanyang kapatid at
anak ni Board Member Fred Corona, at Atty. Julius Vincent T. Libang (kanang
larawan), kasalukuyang naglilingkod bilang miyembro ng kapulisan at anak ni Kap.
Cesar Libang ng Brgy. Banjo East. Makikita rin sa larawan sina Sangguniang
Panlungsod members Konsehal Lim Tabing at Konsehal Angel Atienza. (CIO
Tanauan/ LACV – Photo Courtesy: Roderick Lanting | May 30, 2019).