Print
Category: Latest News

TANAUAN CITY, MULING NAMAYAGPAG SA LITTLE

LEAGUE NAT’L FINALS

lleauge

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – “Tanaueño, The Best Ka!” Ito ang muling pinatunayan
ng buong delegasyon ng lungsod matapos nilang mamayagpag sa nakalipas na Little League
Philippine Series National Finals na ginanap sa Koronadal City, South Cotabato noong Mayo
17 hanggang 26, 2019.
Dalawa sa limang koponan na ipinadala ng lungsod sa naturang torneo ang nakasungkit ng
kampeonato. Sa “score” na 12-2, tinapos ng Tanauan City Baseball Major team ang laro
laban sa International Little League Association Of Manila (ILLAM). Pinadapa naman ng
Junior Baseball team ang koponan ng Cebu City sa “score” na 10-0.
Aabante naman at magpapakitang gilas ang mga nasabing koponan sa Asia Pacific Region
Tournaments na gaganapin sa South Korea at China ngayong buwan ng Hunyo.
Samantala, nasungkit ng Tanauan City ang 1 st Runner Up sa kategoryang Baseball Minor (10
& under) at 2 nd Runner Up naman ang mga koponan ng Senior Baseball Teams.
Bigo man ang Tanauan City Softbelles na muling makabilang sa mga koponan na haharap
para sa Softball World Series ngayong taon, nag-uwi pa rin naman ng karangalan ang mga
ito makaraang magwaging 2 nd runner-up sa naturang National Finals. (CIO Tanauan/ LACV –
Photo Courtesy: Roderick Lanting | May 30, 2019).#