Press Releases

You are visitor #

2205026
TodayToday328
This_WeekThis_Week2440
This_MonthThis_Month10046
All_DaysAll_Days2205026

Parade of Lights 2019

Mga kawani ng pamahalaang lungsod, nakiisa sa Brigada Eskwela 2019

brigada

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Bilang pakikiisa sa malawakang pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2019 na
ginanap noong nakaraang Mayo 20 hanggang 25, nagtungo ang mga kawani ng pamahalaang lungsod, sa
pangunguna ni City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, sa mga piling eskwelahan upang sumuporta at
tumulong sa paglilinis at pagsasaayos ng mga paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng
panibagong “school year”.
Sama-samang nagbigay serbisyo ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan mula sa Human Resource
Management and Development Office (HRMDO) at iba pang tanggapan sa Natatas National High School at
Balele Elementary School gayundin ang mga magulang, guro, estudyante, PNP Tanauan, BFP Tanauan, Tanauan
Bikers Club, Natatas Symphonic Band, Barangay Health Workers, Sangguniang Barangay, 4PS, Parents and
Teachers’ Association, miyembro ng iba't ibang organisasyon at ilan pang mga volunteers.
Bilang karagdagan, nagkaloob din ng libreng pagseserbisyo ang ilang tanggapan ng pamahalaang lungsod gaya
ng Dental Mission ng City Health Office, na pinangunahan ni Dr. Gian Tipa, at Dental Health Education, sa
pamamagitan naman ni Dra. Divina Balita. Nagbigay din ng “lecture” para sa “emergency preparedness” at
nagputol ng mga sanga ng puno ang tanggapan ng City Disaster and Risk Reduction Management. Samantala,
isang seminar patungkol sa Urban Gardening naman ang inihandog ng City Agriculture's Office. Nagbigay
serbisyo rin ang mga kawani ng Maintenance Division ng City General Services Office para sa mga sirang
kagamitan sa mga nasabing paaralan. Bukod sa paghahakot ng basura, namahagi naman ng pananim na puno
at halaman ang City Environment and Natural Resources Office para sa “gulayan sa paaralan”.
Isinagawa ang “kick-off” activity ng taunang programang ito sa Natatas National High school sa pangunguna
nina Schools Division Superintendent Edna Faura Agustin kasama sina District Supervisor Dr. Nora G. Perez, Dr.
Jun Robles , Romel Villanueva (SEPS-SMN), Anne Jielene Capacia (PDO I), Riblyn Joanne Miraña (PDO I), Mr.
Moises Carvajal, Principal I ng Natatas Elementary School, at Ms. Marites Miranda, Principal I ng Natatas
National High School. (CIO Tanauan/ LACV – Photo Courtesy: Roderick Lanting / May 23, 2019)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph