Press Releases

You are visitor #

2190105
TodayToday291
This_WeekThis_Week2671
This_MonthThis_Month8049
All_DaysAll_Days2190105

Parade of Lights 2019

Tanaueño Butchers, nabigyan ng libreng training

butchers

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Kabuuang 50 Tanaueño butchers (magkakarne) ang
matagumpay na nagsipagtapos sa kursong Slaughtering Operations (NCII) ng Technical Education
and Skills Development Authority (TESDA) sa “commencement exercises” na isinagawa noong May 4,
2019 sa City Auction Market, Brgy. Poblacion IV, na pinangunahan nina Mayor Atty. Jhoanna Corona-
Villamor, City Administrator Carlos C. Flores at City Veterinarian Dr. Aries Garcia.
Ang proyektong ito ay inilunsad ng pamahalaang lungsod, sa pakikipagtulungan ng TESDA at Van
Technological & Skills Academy Inc., upang mapagkalooban ng libreng pagsasanay ang mga naging
benepisyaryo sa loob ng 35 araw sa kabuuang 280 oras na magpapataas at magpapaunlad ng
kanilang kakayahan at magbubukas sa kanila ng mga oportunidad na makapagtrabaho sa “AAA”
Slaughterhouse ng lungsod maging sa ibang bansa katulad ng Canada, Australia at New Zealand.
Matatandaan na ang konstruksyon ng 150-M export-grade slaughterhouse sa lungsod ay nagsimula
taong 2014 at ito ay inaasahang higit na magpapalakas ng “livestock industry” ng Region IV at mga
karatig lugar. Oras na maging “fully operational” ang pasilidad na ito, ang mga nagkamit ng angkop
na kaalaman buhat sa naturang pagsasanay ang siyang isasaalang-alang sa mga magbubukas na
trabaho. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Tanggapan Ng Beterinaryong Panglungsod’s FB page
- May 8, 2019)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph