Press Releases

You are visitor #

2165342
TodayToday289
This_WeekThis_Week381
This_MonthThis_Month8353
All_DaysAll_Days2165342

Bb. Montaña, tinanghal bilang Binibining Tanauan 2019

Maria Teresa S. Buño/CIO-Tanauan | Mayo 02, 2019

bbtan

Si Danielle Anthea J. Mayo ng Barangay Montaña, ang itinanghal na Binibining Tanauan 2019 sa isinagawang “Pageant Night” noong Abril 28, 2019 sa Speaker Jose B. Laurel Gymnasium. Makikita naman sa katabing larawan sina (L-R) Ma. Shikaira V. Caraan ng Brgy. Darasa, 3rd runner-up; Chelsea Kaye G. Bernadas ng Brgy. Wawa, 2nd runner-up; Ms. Rose Dianne M. Dioquino, Binibining Tanauan 2016; Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor; Danielle Anthea J. Mayo, Binibining Tanauan 2019; Karen Joyce M. Olfato ng Brgy. Pantay Matanda, 1st runner-up; Eudosia Nerissa S. Quilao ng Brgy. Balele, 4th runner-up; at Vice Mayor Ret. BGen. Benedicto C. Corona para sa isang souvenir photo . (Photo Courtesy: Jun S. Mojares & Roderick P. Lanting| CIO Tanauan)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Dala ang kani-kanilang mga tambol, “number balloons”, tarpaulins at posters, walang humpay na humiyaw ng papuri ang daan-daang dumagsang kaanak, kaibigan at supporters ng mga kalahok na kandidata sa naging matagumpay na pagtatanghal ng “Binibining Tanauan 2019 Pageant Night” noong Abril 28, 2019 na ginanap sa Speaker Jose B. Laurel Gymnasium ng lungsod.

Sa kabuuang apatnapu’t tatlong (43) kandidata na sumali at kumatawan sa kani-kanilang barangay, namayani ang angking ganda, tindig, at husay sa pagsagot sa itinakdang “Q&A portion” ni Danielle Anthea J. Mayo, 24 na taong gulang, pambato ng Barangay Montaña na nag-uwi ng prestihiyosong titulo ng pagiging Binibining Tanauan 2019 kabilang na ang Php 40,000 cash prize, sash at boquet.

Sa umpisa pa lamang ng kompetisyon, kabilang na si Bb. Mayo sa mga dalagang kinakitaan ng posibilidad na mapasama sa semi-finals makaraang makasungkit ito ng ilang special awards gaya ng Ms. NDN Grand Hotel at Ms. Awilihan Resort. Hindi naman dito nagtapos ang kanyang pamamayagpag sapagkat sa mismong gabi ng pagtatanghal kung saan isinagawa ang pagmomodelo ng mga kandidata suot ang iba’t ibang kasuotan, siya ang napili ng mga hurado para mag-uwi ng Best in Theme Wear, Best in Casual Wear at Best in Swim Wear awards na naging daan niya upang mapasama sa Top 5.

 

Hindi rin naman nagpahuli ang iba pang awardees ng patimpalak na sina Karen Joyce M. Olfato, 21 taong gulang mula Pantay Matanda na tinanghal bilang 1st runner-up at nagkamit ng Php 35,000 cash prize at mga parangal gaya ng Ms. Deca Homes, Ms. DB Access, Ms. Motorcentral, Ms. Hacienda Darasa, Ms. La Tan-Awan Eco Park, at Best in Evening Gown; Chelsea Kaye G. Bernadas, 18 taong gulang, residente ng Barangay Wawa,  nagwaging 2nd runner-up  at nagkamit ng Php 30,000 cash prize at Ms. Beautederm award; Ma. Shikaira V. Caraan, 18 taong gulang, kumatawan sa Barangay Darasa, tinanghal na 3rd runner-up at nag-uwi ng Php 25,000 cash prize at mga parangal na Ms. Sandia Homes, Ms. Photogenic, Ms. Corsini, Ms. Star Tourism, at Ms. Globe Telecom; at Eudosia Nerissa S. Quilao, 18 taong gulang mula sa Barangay Balele, tinanghal na 4th runner-up  at nag-uwi ng Php 20,000 cash prize at Ms. Skybiz award.

Kabilang pa sa mga nag-uwi ng kaukulang parangal sina Eunice A. Magpantay ng Janopol Occidental bilang Ms. Friendship; Gelene O. Perez ng Talaga, Discipline Award; Charlene M. Mutia ng Maugat, Ms. Chick Point, Ms. Citimart at Ms. Body Beautiful; Kimberly C. Vargas ng Laurel, Ms. MI Department Store at Ms. Early Jam Tanauan; Rose Ann Mae M. Parra ng Bilog-bilog, Ms. Gotcha-a Tanauan; Claudine Joy V. Hernandez ng Hidalgo, Ms. Rampa Republic; at Jolina Ann P. Castillo ng Bagbag, Ms. Face of the Night.

Ang patimpalak na ito tampok ang pagtatagisan ng ganda, kakayahan at talino ng mga kadalagahan sa lungsod ay muling ibinalik ngayong taon bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng nagdaang 18th Cityhood Anniversary at 435th Founding Anniversary ng Tanauan City noong Marso 10, 2019.

Ang elegante at napakagandang pagtatanghal ng “beauty pageant” ay pinangunahan ni Mayor Atty. Jhoanna C. Corona-Villamor, Vice Mayor Ret. BGen. Benedicto C. Corona, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Angel Atienza, Lim Tabing, at SK Federation President John Kennedy Macalindong, kasama ng ilang department heads, barangay at SK officials, kabilang na ang mga nagsidalong kawani ng pamahalaang lungsod.

Ang programang ito ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Community Affairs Office sa pangunguna ni Ms. Angelina L. Amat, Department Head.

Nagsilbing “Production Director/Choreographer” ng programa ang batikan sa kaugnay na larangan na si Paul Agustin, at hosts naman sina Mr. Karl Joseph Sanmocte at Ms. Kim Lorraine Malabanan.

Kabilang sa hanay ng mga hurado sina Cindy Madduma, Miss Scuba International 2015; Kristi Banks, Miss Earth Canada 2017 1st runner-up; Sofia Romero, Miss Global Beauty Queen 2017; Mariano Flormata, Jr. (Neil Perez), Mister International 2014; at Keann Johnson, actor.

Ang mga sponsors naman na nakiisa sa programang ito ay kinabibilangan ng Sandia Homes by Filinvest, Chickpoint, DECA Homes Tanauan, Beautehaven, Skybiz Travel and Tours Inc., DB Access, Corsini Glassworks Inc., MI Department Store, STI Tanauan-Official Tabulator;  Citimart Tanauan, Motorcentral, Hacienda Darasa, Awilihan Resort, Patrick Tatakan ATBP., La Tanaw-an Ecopark, Rampa Republic, Almira Facial and Body Care Center, Early Jam Tanauan, Gotcha-a Tanauan, STAR Tollway Lipa, Lumina Homes, Primavera Homes, Hanes, NDN Grand Hotel, Mr. Oskar C. Peralta, Dimayuga Bridal House, at Through the lens of Jhun Lirio.

Ang lahat ng kandidatang nagkamit ng special awards sa kompetisyong ito ay pinagkalooban din ng kaukulang “cash prizes.” # (Maria Teresa S. Buño)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph