Press Releases

You are visitor #

2150594
TodayToday21
This_WeekThis_Week2729
This_MonthThis_Month8846
All_DaysAll_Days2150594

Little League Phil Series 2019, muling umarangkada sa Tanauan

CIO Tanauan/LACV – April 11, 2019

baseball

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Higit pitumpong koponan mula sa iba’t-
ibang bahagi ng Luzon ang dumagsa at nakilahok sa pagbubukas ng Little League
Philippine Series Luzon Regional 2019 noong Abril 7, 2019 na muling ginanap sa
Brgy. Natatas ng lungsod na ito.
Pinangunahan nina City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, Sports Development
Office Head Fortunato “Tato” Dimayuga Jr., Atty. Jolly Gomez, District Administrator,
at Mr. Michael Zialcita, Tournament Director ng Little League Philippines, ang
opening ceremony ng naturang torneo.
Sa nasabing programa, pinaabot ni Mayor Villamor ang kanyang mainit na pagbati
sa lahat ng mga koponan kasama ang kanilang mga magulang, coaches at mga
kinatawan ng Little League.
Pinangunahan naman ni Royevel Palma, Best Pitcher ng 2018 Senior League
Softball World Series, kasama ng iba pang bumubuo ng Tanauan City Softbelles, na
itinanghal na kampeon ng nasabing torneo, ang pagbigkas ng ‘Oath of
Sportsmanship’ na bahagi ng programa.
Ang mga manlalaro mula sa iba’t-ibang koponan ay magtatagisan ng angking galing
sa pitong dibisyon: Minor League Baseball Boys (10 and under); Major League
Baseball Boys (12 and under); Junior League Baseball (14 and under) at Senior

League Baseball (16 and under); Major League Softball Girls (12 and under); Junior

League Softball Girls (14 and under) at Senior League Softball Girls (16 and under).
Ang mga mamamayagpag na koponan ay nakatakdang kilalanin sa isasagawang
awarding ceremony sa darating na April 14, 2019. Ang lahat ng mga baseball at
softball teams naman na makakapasok sa championship round ang magiging
kwalipikadong maglaro sa gaganaping Little League Philippines Series Nationals sa
Koronadal City, South Cotabato sa darating na buwan ng Mayo.
Ito ang ikatlong pagkakataon na ginanap sa lungsod ng Tanauan ang naturang
patimpalak. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Roderick Lanting)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph