Press Releases

You are visitor #

2150593
TodayToday20
This_WeekThis_Week2728
This_MonthThis_Month8845
All_DaysAll_Days2150593

SUMMER WORKSHOP PARA SA MGA BATA, HANDOG NG LGU TANAUAN.summer

Sa pangunguna ng tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD) at Gender and Development
(GAD) , isang libreng “summer workshop” ang nakatakdang pasimulan ng pamahalaang
lungsod ngayong Abril 22 – Mayo 20, para sa mga anak, pamangkin, at maging apo ng mga
kawani nito na may edad lima hanggang walong taong gulang na isasagawa sa Child
Development Center sa bagong cityhall. Sa isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes,
Abril 8, 2019, pormal na inilunsad ni Ms. Rebecca Javier, Officer in Charge ng CSWD at GAD,
ang nasabing programa. Layunin nito na ang mga batang sasailalim sa workshop ay
maturuan ng “advanced reading”, Mathematics, spelling, art, at English. Bukod dito,
kabilang din sa pag-aaralan ng mga bata ang “proper hygiene”, “table manners” at
“cleanliness”. Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito ay magtutuloy-tuloy ang
pagkatuto ng mga bata hinggil sa mga mahahalagang leksyon at mababawasan ang
paggamit nila ng gadgets ngayong bakasyon. Layon din nito na mabawasan ang pagliban ng
mga empleyado na ang kadalasang dahilan ay ang kawalan ng mag-aalaga at magbabantay
sa kanilang mga anak. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Christine T. Marqueses – April
11, 2019)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph