Press Releases

You are visitor #

2232767
TodayToday137
This_WeekThis_Week3555
This_MonthThis_Month7602
All_DaysAll_Days2232767

Parade of Lights 2019

Modernong museo ng Tanauan, binuksan
By: CIO Tanauan/Louise Anne C. Villajuan – April 4, 2019

museo

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas - Bilang bahagi ng padiriwang ng lungsod ng
ika-18 taon ng Cityhood at ika-435 taon ng Founding Anniversary, pormal na
binuksan ang “Newly Modernized Museo ng Tanauan” noong Marso 29, 2019 sa Old
Municipal Hall Building, Poblacion 2.
Sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Atty. Jhoanna Corona-Villamor,
pinasimulan noong Oktubre 2018 ang modernisasyon ng naturang museo na
nagtitiyak na ang konsepto ng disenyo, proseso ng paggawa at pagtatakda ng ilang
pagbabago nito ay alinsunod sa pandaigdigang pamantayan ng mga museo.
Layon nito na mabigyan ang mga turista, mag-aaral at iba pang bisita ng
makatotohanang karanasan na magpapamalas sa kanila ng makulay na kasaysayan
ng lungsod.
Ilan sa mga nadagdag na seksyon ang kinatatampukan ng mga pagdiriwang at
larangan na nagbigay katanyagan sa lungsod katulad ng Parade of Lights, Baseball
and Softball Champions at El Gamma Penumbra.

Pinangunahan ni Mayor Villamor ang isinagawang ribbon cutting ceremony at
blessing ng naturang museo. Aniya sa kanyang mensahe, “Nawa po ito ay hindi
lamang isang lugar kung saan naroon ang mga memorabilia o mga simbolo ng ating
kultura at kasaysayan kundi maging pamamaraan rin upang mas pahalagahan po
ng ating mga kababayan lalong higit ang mga kabataan ang ating minamahal na
lungsod ng Tanauan”. Dagdag pa niya, “Nawa po ito ay magsilbing inspirasyon para
sa bawat isa upang maging produktibong mamamayan at magkaroon ng
kontribusyon sa kaunlaran ng ating pamahalaang lungsod at minamahal na lungsod
ng Tanauan.”
Dumalo rin sa pagtitipon ang mga Araling Panlipunan Coordinators at School Heads
ng DepEd Tanauan City kasama ang mga namumuno rito, Presidents at Principals
ng Private Schools, mga kinatawan ng Southern Luzon Association of Museums sa
pangunguna nina Atty. Antonio Pastor at President Ms. Cecille Gelicame, mga
donors ng “museum artifacts” at Gng. Emerlina Lirio, maybahay ni dating Mayor
Paquito Lirio.
Ang Tanauan City Museum ito ay unang nagbukas labing-anim na taon na ang
nakalilipas. (CIO Tanauan/LACV – Photo Courtesy: Jun Mojares) #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph