Print
Category: Latest News

BRGY. PEACEKEEPING ACTION TEAM (BPAT) GRADUATION CEREMONY

peace

BRGY. PEACEKEEPING ACTION TEAM (BPAT) GRADUATION CEREMONY. Bilang programa ng pamahalaang lungsod patungkol sa Peace and Order, sa pangunguna ni Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, humigit-kumulang 1000 “barangay police” mula sa 48 barangay ng lungsod ang nakibahagi sa isinagawang Brgy. Peacekeeping Action Team (BPAT) Graduation Ceremony noong Marso 26, 2019 sa Pres. Jose P. Laurel Gymnasium. Sa pamamagitan ng Human Resource Management and Development Office (HRMDO), sumailalim ang mga barangay tanod sa limang araw na BPAT seminar noong Marso, 6, 7, 8, 11 at 12, na naglalayon na mas palakasin at palawigin ang kanilang kakayahan bilang “force multipliers” ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod ng Tanauan. Samantala, nagsilbing Guest of Honor at Speaker sa pagtitipon na ito sina Provincial Director ng Batangas Police Office PSSupt Edwin Aguilan Quilates at Board Member Alfredo C. Corona bilang Chairperson ng Committee on Peace & Order & Public Safety ng lalawigan ng Batangas. Dumalo rin sa isinagawang “graduation ceremony” sina DILG-City Director Mrs. Lorna M. Silva at OIC Chief of Police PSupt Rolando Baula kasama ang mga opisyales ng pamahalaang lungsod na sina Vice Mayor BGen. Benedicto C. Corona, Kon. Eric Manglo, Kon. Joseph Castillo bilang Chairman ng Committee of Peace & Order, Kon. Angel Atienza at Chief of Staff Mr. Casiano Saniano. (CIO Tanauan-LACV | Photo Courtesy: Jun Mojares / Marso 28, 2019)#