Press Releases

You are visitor #

2221122
TodayToday217
This_WeekThis_Week2617
This_MonthThis_Month8194
All_DaysAll_Days2221122

Parade of Lights 2019

Apektadong residente ng ‘tawilis ban’, binigyang tulong ng pamahalaang lungsod

By: CIO Tanauan/Louise Anne C. Villajuan

tawilis

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Higit 100 apektadong pamilya mula sa Sitio Mahabang
Buhangin, Brgy. Maria Paz ng lungsod na ito ang agad na tinulungan ng lokal na pamahalaan sa
inilunsad na “Project Tawilis” noong nakaraang Marso 20, 2019.
Ito ay bilang tugon ng pamahalaang lungsod sa pansamantalang pagkawala ng kabuhayan ng
mga residente makaraang maglabas ng Resolution No. 49, Series of 2018 ang Protected Area
Management Board- Taal Volcano Protected Landscape (PAMB-TVPL) na nagbabawal ng
pangingisda ng ‘endangered’ tawilis (Sardinella tawilis) sa mga bayan at lungsod na
nakakasakop sa Taal lake mula Marso hanggang Abril ng taong ito.

Sa pangunguna ni Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, namahagi ang pamahalaang lungsod
ng tig-20 na sisiw na may kasamang feeds sa kada apektadong pamilya ng naturang sitio, mga
butong pananim at kaukulang ayudang pinansyal bilang pantawid kabuhayan ng mga ito sa
itinalagang buwan ng “closed season” ng tawilis.
Bukod dito, isang ispesyal na Serbisyong Hatid sa Barangay din ang isinagawa kung saan
maliban sa medical at dental service, libreng tuli, veterinary consultation, free anti-rabies
vaccination, mobile registration, issuance of community tax, livelihood opportunities, skills
registration and recruitment at pre-investment assistance, nagkaloob din ang pamahalaang
lungsod ng mga libreng “toilet bowl” sa mga kabahayan para sa pangangalaga ng kalusugan at
pagpapanili ng kalinisan ng mga residente.
Inaasahan naman na babalik sa normal ang sitwasyon ng mga nasabing pamilya dito matapos
ang dalawang buwang ‘tawilis fishing ban’. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Roderick
Lanting - March 21, 2019) #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph