Press Releases

You are visitor #

2221122
TodayToday217
This_WeekThis_Week2617
This_MonthThis_Month8194
All_DaysAll_Days2221122

Parade of Lights 2019

TANAUAN CITY 6 th PARADE OF LIGHTS, TAGUMPAY

polwin

Ang mala-2018 Miss Universe Catriona Gray inspired float ng TJ MARC SALES CORPORATION (CITIMART) na
tinanghal na CHAMPION sa ginanap na “Best Float” competition ng isinagawang “6 th Parade of Lights ng
Tanauan City noong March 16, 2019. Tinanggap ng mga kinatawan ng naturang establisyamento ang “cash
prize” na Php 200,000 at plake mula kina Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, Vice Mayor BGen. Benedicto
C. Corona (Ret.) kasama ang mga City Councilors na sina Kon. Angel Atienza, Kon. Joseph Castillo, Kon. Simeon
Platon, SK Fed. Pres. John Kennedy Macalindong, Kon. Eric Manglo, Kon. Jun Goguanco, Kon. Lim Tabing at
Mrs. Angelina Amat, Department Head ng Community Affairs Office. (Photo Courtesy: Jun S. Mojares |CIO-
Tanauan)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Matagumpay ang naging pagtatanghal ng “6th Parade of Lights”
sa lungsod ng Tanauan na pinagunahan ni Mayor Atty. Jhoanna Corona Villamor kasama si Vice
Mayor BGen. Benedicto C. Corona (Ret.), at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod
noong nakaraang Marso 16, 2019.
Ang programa na taunang inilulunsad kaugnay ng selebrasyon ng cityhood at founding
anniversary ay inabangan at sinaksihan ng libo-libong Tanaueño at mga turista mula sa iba’t
ibang lugar.
Mula sa labing anim (16) na naggagandahang karosa (float), nangibabaw ang mala-Miss
Universe Catriona Gray inspired float ng TJ MARC SALES CORPORATION (CITIMART) na
tinanghal na kampeon sa “Best Float” competition at tumanggap ng tseke na nagkakahalaga
ng P200,000 at plake ng pagkilala. Wagi rin sa naturang kompetisyon ang C.P. REYES
HOSPITAL bilang 1st Runner Up na nag-uwi ng tseke sa halagang P175,000 at plake;
gayundin ang LYRR REALTY DEVELOPMENT CORPORATION (DECA HOMES) bilang 2 nd Runner
Up na tumanggap naman ng P150,000 at plake.

Kabilang naman sa ginawaran ng kaukulang pagkilala at “cash prize” na tig-P30,000 ang mga
nagwagi sa Special Awards gaya ng “Most Attractive Design” na nasungkit ng CITIMART,
“Best in Special Effects”na nakuha ng VICTORY MALL AND MARKET TANAUAN at “Best in
Craftmanship” na ipinagkaloob sa DANIEL MERCADO MEDICAL CENTER.
Tinaghal namang Over-all Champion sa isinagawang Street Dance Competition sa iba’t ibang
kategorya gaya ng “Best in Street Dance”, “Best in Costume”, at “Best in 5-minute dance”
ang mga street dancers mula sa DMMC Institute of Health and Sciences, Inc., samantalang
1 st Runner Up naman ang Tanauan Institute Inc.
Sa isang panayam kay Mayor Jhoanna Corona-Villamor, sinabi nito na ang parada ay isang
“regular festivity” sa lungsod na itinuturing na “major tourism event” na naglalayong
maipamalas ang pagkakaisa ng pamahalaang lungsod, mga establisyamento at iba’t ibang
organisasyon. Ang pagdaraos ng naturang programa taon-taon ang aniya’y lubos na
nagpatanyag sa lungsod dahilan upang ito ay gayahin ng ibang mga bayan sa bansa. (Kaira
Marize Katipunan/CIO-Tanauan )

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph