Press Releases

You are visitor #

2165342
TodayToday289
This_WeekThis_Week381
This_MonthThis_Month8353
All_DaysAll_Days2165342

Kick-off Ceremonies ng Women’s Month Celebration sa Tanauan City, dinumog

CIO Tanauan/ Kaira Marize Katipunan – March 7, 2019

koff

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Bilang pasimula ng pagdiriwang ng
National Women’s Month na may temang “We Make Change Work for Women”,
nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng isang “motorcade” na nilahukan ng iba’t
ibang organisasyon ng kababaihan sa lungsod na ginanap noong Marso 4, 2019.
Suot ang kulay “purple” o lila na sumasagisag sa kalakasan ng isang kababaihan,
tinahak ng mga nakiisang Tanaueña, lulan ng mga pribadong sasakyan na sila
mismo ang nagmamaneho, ang ruta mula sa Plaza Mabini, Poblacion 2 hanggang
sa New City Hall Building, Brgy. Natatas para sa isasagawang kick-off ceremony
kaalinsabay ng “flag raising ceremony” ng pamahalaang lungsod.
Ani Mayor Jhoanna Corona-Villamor, isa sa mga nag-aangat ng bandera ng
kababaihan bilang ina ng lungsod, “ako po ay nakikiisa at nagbibigay pugay sa
bawat isang kababaihan sa lungsod ng Tanauan.” Dagdag pa niya, masasabi nang
pantay-pantay ang pagtingin sa mga kababaihan at kalalakihan sa lungsod dahil sa
kanilang napakalaking kontribusyon para sa ikauunlad ng Tanauan.
Samantala, inilatag ni Ms. Rebecca Javier, In-Charge of Office ng Gender and
Development, ang mga programa ng pamahalaang lungsod kaugnay ng naturang
selebrasyon. Kanyang ipinabatid ang taos-pusong pasasalamat sa mga

organisasyon sa lungsod na walang sawang sumusuporta sa mga programa na
isinusulong ng pamahalaang lungsod para sa pagpapalakas ng mga kababaihan.
Kabilang sa mga organisasyong nakiisa sa programang ito ang Samahan ng
Kababaihang Ala-Eh ng Tanauan City Inc. (SKATCI); Kalipunan ng Liping Pilipina
(KALIPI); Violence against Women and Children (VAWC); Solo Parents Federation;
Zumba Ladies, Child Development Workers, Barangay Nutrition Scholars, Barangay
Health Workers, Tanauan City Women Coordinating Council at City Government
Employees.
Pinasalamatan rin ni Ms. Javier ang mga naging katuwang ng pamahalaang lungsod
partikular ng GAD office sa pagdiriwang ng Women’s Month ang mga sumusunod:
Toda Federation, Tupperware, Digipay, R.A Trading, Avon, Sophie Paris, HBC
Tanauan, Banahaw Hills Spa, Executive Facial Care, Index Salon, Citimart,
Southking, Puregold, Prosperity, Wrap ‘N Carry at Shopper’s Gateway.
Kabilang rin sa mga dumalo ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod, sa
pangunguna ni Vice Mayor BGen. Benedicto Corona kasama ang mga konsehal na
sina Kon. Eric Manglo, Kon. Rizaldrin Epimaco Magpantay, Kon. Joseph Castillo,
Kon. Jun Goguanco, Kon. Angel Atienza, Kon. Herman Trinidad, Kon. Arthur Lirio,
SK Federation President John Kennedy Macalindong at ABC President Kristina
Gayanilo-Fajardo. (CIO Tanauan/ LACV & KMK | Photo Courtesy: Jun Mojares and
Oliver Luna)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph