Press Releases

You are visitor #

2165341
TodayToday288
This_WeekThis_Week380
This_MonthThis_Month8352
All_DaysAll_Days2165341

Ika-6 na Parade of Lights ng Lungsod ng Tanauan, Muling Masasaksihan

ni: Karen M. Villanueva, Community Affairs Office-Tanauan

pol

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Muli na namang masasaksihan ang
pinakaaabangang ika-6 na Parade of Lights bilang pagdiriwang ng ika-434 th Founding
and 18 th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Tanauan. Ito ay gaganapin sa darating
na March 16, 2019, araw ng Sabado, na mag-uumpisa sa ganap na ika-6 ng gabi. Ang
pangunahing atraksyon na ito ng lungsod ay lalahukan ng labing-siyam (19) na
makikislap at naggagandahang mga karosa mula sa iba’t-ibang mga kumpanya,
establisyimento, ospital at organisasyon. Mayroon ding mga grupo ng street dancers
na magtatagisan ng kanya-kanyang angking galing sa pagsayaw habang suot ang
umiilaw at nagliliwanag na mga kasuotan.
Ang nasabing parada ay magsisimula sa Waltermart, Brgy. Darasa, patungong Pres.
J.P Laurel Highway, kakaliwa sa crossing patungong A. Mabini Avenue at magtatapos

sa New Tanauan City Hall, Laurel Hill, Brgy. Natatas, kung saan magaganap ang
paligsahan ng mga street dancers, pagpaparangal sa mga nagwagi at iba pang mga
pagtatanghal.
Inaasahang libu-libong mga tao ang muling makikibahagi sa pagdiriwang na ito na
naglalayon na patuloy na palakasin ang pagkakaisa, pakikibahagi at pagtutulungan ng
mga mamamayan at paunlarin ang suporta ng mga mamumuhunan sa lungsod.
Marami ring makakasalamuhang mga pinagpipitaganang bisita at personalidad mula
sa industriya ng showbiz bilang miyembro ng mga hurado.
Ang matagumpay na festival na ito na humango ng inspirasyon sa ating Pambansang
Bayani na si Apolinario Mabini na nagsilbing liwanag noong nasa panahon ng
karimlan ang ating bansa sa pamamagitan ng kanyang angking talino at paninindigan,
ay patuloy na sinusuportahan at pinagyayaman ni butihing City Mayor ATTY.
JHOANNA CORONA-VILLAMOR. Ito ay nagpapaalala na anumang pagsubok at hamon
ng buhay ang dumating, ang mga Tanaueño ay nananatiling matatag at may
paninindigan.
Ang lahat ay muling inaanyayahan na makibahagi sa taunang pagtatanghal na ito ng
lungsod na pangungunahan nina City Mayor, Atty. Jhoanna Corona-Villamor, City
Vice Mayor, Bgen. Benedicto C. Corona (Ret.) at Mga Miyembro ng Sangguniang
Panlungsod. (Karen M. Villanueva) #

 

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph