Press Releases

You are visitor #

2205026
TodayToday328
This_WeekThis_Week2440
This_MonthThis_Month10046
All_DaysAll_Days2205026

Parade of Lights 2019

Farmers’ Forum 2019, isinagawa sa Tanauan
CIO Tanauan/ Kaira Marize Katipunan – February 28, 2019

farmer

Sa pangunguna ng pamahalaang lungsod ng Tanauan, na pinamumunuan ni Mayor Atty.
Jhoanna C. Corona-Villamor, katuwang ang City Agriculturist Office, mahigit 200 magsasaka
mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod ang dumalo at nakiisa sa isinagawang “Farmers’
Forum” noong Pebrero 27, 2019 sa Tanauan City Demo Farm, Brgy. Bilogbilog.
Ayon kay Mayor Villamor, layunin ng “forum” na ito na maipabatid sa mga magsasaka ang
mga proyekto at programa hindi lamang ng lokal na pamahalaan kundi maging ng
pamahalaang panlalawigan para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa lungsod. Dagdag pa
niya, nais niyang magsilbing daan ang pagtitipon na ito upang maidulog ng magsasaka ang
kanilang mga pangangailangang agrikultural para sa ikalalago ng kanilang kabuhayan.
Inilahad naman nina City Agriculturist Renato Cunanan at Officer-in-charge - Assistant
Provincial Agriculturist Ms. Luz M. Labit ang mga programa at proyekto ng pamahalaang
lungsod at panlalawigan para sa taong 2019. Kabilang sa mga inilahad na programa ni Ms.
Labit, na siyang kinatawan ni Provincial Agriculturist Pablito Balantac, ang Diversification
Program kung saan kabilang ang mga proyekto patungkol sa Rice Production, Corn Seed
Production, Vegetable Production, Coffee and Cacao Production, Tilapia Fry Dispersal at
Water Quality Monitoring.
Matapos ang forum, namahagi naman ang tanggapan ng City Agriculturist ng iba’t-ibang
binhi katulad ng amplaya, talong, kamatis, pipino at hybrid corn. (CIO Tanauan/ Kaira
Marize Katipunan | Photo by: Roderick Lanting). #

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph