Press Releases

You are visitor #

2134925
TodayToday249
This_WeekThis_Week1554
This_MonthThis_Month10321
All_DaysAll_Days2134925

Programa para sa Women’s Month, inilatag
CIO Tanauan/LACV | February 28, 2019

wmen2019

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Bilang pakikiisa sa National Women’s Month
Celebration ngayong Marso, na may temang “We Make Change Work for Women”,
ikinasa ng lokal na pamahalaan ng Tanauan, sa pangunguna ni Mayor Atty. Jhoanna
Corona-Villamor, ang iba’t ibang mga aktibidad na naglalayong mas palakasin ang
mga kababaihan sa lungsod.
Kabilang sa mga programang inihanda sa pangunguna ng Gender and Development
(GAD) Office ay ang Motorcade Parade sa Marso 4, Serbisyo para kay Juana:
Libreng Sakay sa Tricycle para sa Kababaihan (Biyaheng Tanauan), Orientation on
Women’s Rights and Privileges under RA 9262 and RA 9710 for CGT Women
Employees sa Marso 7 na gaganapin sa Gym 1, International Women’s Day
(Treats/Freebies for CGT Women Employees) sa Marso 8, Women’s Forum:
Sectoral Identification of Gender Issues sa Marso 5,6,7,8 at 12, Women’s Mini
Olympics sa Marso 10 (Gym 1), Child Development Center Recognition Day mula

sa Marso 11-15; Volleyball, Basketball and Badminton Tournament sa Marso 17, 23,
at 24 sa Gym 1, International Day for Women with Disabilities- Consultative Meeting
sa Marso 26, Gov. Modesto Castillo Cultural Center at ang General Assembly of
Women and Consultative Meeting sa Marso 30.
Ang mga aktibong kababaihan na kasapi ng iba’t ibang organisasyon sa lungsod
gaya ng Samahan ng Kababaihang Ala-Eh ng Tanauan City Inc. (SKATCI);
Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI); Violence against Women and Children
(VAWC); Solo Parents Federation at Zumba Ladies ay nagpahayag na ng kanilang
partisipasyon sa pagdiriwang.
Ang tema ng selebrasyong ito ay gagamitin hanggang taong 2020 at ito ay binuo ng
may kaukulang kahulugan: We para sa Women Empowerment at “we” na
nangangahulugang tayo; Make Change Work-may abbreviation na MCW na may
ibig sabihin na Magna Carta for Women o “making change for women”; at Change
na tumutuon sa “Compassionate and Harmonized Actions and Networks for Gender
Equality.”#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph