Press Releases

You are visitor #

2134925
TodayToday249
This_WeekThis_Week1554
This_MonthThis_Month10321
All_DaysAll_Days2134925

1st borehole seismic station sa bansa, itinayo sa Tanauan

CIO Tanauan/ Kaira Marize Katipunan | February 20, 2019

philvocs

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Pormal na pinasinayaan sa lungsod na ito ang kauna-unahang “borehole broadband seismic station” sa buong Pilipinas noong Pebrero 19, 2019 na matatagpuan sa Demo Farm, Brgy. Bilog- bilog.

Ang “ribbon cutting ceremony” na bahagi ng programa ay pinangunahan ng mga kinatawan ng Department of Science and Technology - Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS), na sina Renato U. Solidum, Jr., Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change (DRR & CC) at Officer-in-Charge, Ma. Antonia V. Bornas, Chief Science Research Specialist ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division kasama ang mga opisyal ng lungsod at kinatawan ng pamahalaang panlalawigan na sina Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, Board Member Alfredo C. Corona ng Committee on Disaster Preparedness, Regional Director Olive Luces at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Joselito Castro.

Ayon kay Ms. Maria Antonia V. Bornas, ang proyekto ay isinakatuparan ng DOST-PHIVOLCS sa ilalim ng National Volcano Monitoring and Warning Program. Dagdag pa niya, ito ang pang-labing tatlong (13) “seismic observation station” sa lalawigan ng Batangas na nakatuon sa pagbabantay ng Bulkang Taal na tinawag nilang VTTA o Volcano Taal Tanauan Observation Station. “Ang himpilang ito ang pinakabagong bahagi ng Taal Volcano Network na pangangasiwaan ng Taal Volcano Observatory, na nakatalaga sa bayan ng Talisay”, pahayag ni Ms. Bornas. Ang tanggapan ay binubuo ng isang seismic shelter na mangangalaga sa isang “state-of-the-art” borehole seismometer o instrumento na nagtatala ng hindi lamang basta lindol, kundi may kakayahang tumiktik nang may pinakamataas na kalidad ng lahat ng uri ng lindol hindi lamang sa paligid ng Taal Volcano kundi maging sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Kasama nito ang isa ring digitizer na nagsasalin ng mga “electrical signals” mula sa “seismometer” sa “seismic record”.

Taos-puso namang ipinahayag ni Usec. Solidum, Jr. ang kanyang pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Tanauan sa suporta at pakikipagtulungan nito na mas paigtingin ang paghahanda para sa kaligtasan ng mga maaring maapektuhang komunidad sakaling magkaroon ng pagsabog ang Bulkang Taal.

Sa mensahe ni Bokal Corona, sinabi nito na malaking bagay ang pagkakalagay ng borehole broadband seismic station sa lungsod sapagkat ito ang magsisilbing bantay sa napakaliit ngunit napakabagsik na  aktibong Bulkang Taal.

Ipinabatid naman ni Mayor Villamor ang patuloy na pagsuporta at kooperasyon ng pamahalaang lungsod sa mga programa at proyekto ng PHIVOLCS upang maging handa sa sakuna na maaring idulot ng bulkan. Sambit pa niya, “Isang karangalan na dito sa Tanauan itinayo ang kauna- unahang borehole broadband seismic station sa Pilipinas. Ito ay mahalaga dahil hindi lamang dito sa ating area kundi pati na rin sa buong bansa ang mamomonitor nito.  Ang mga activities ng buong Pilipinas at maging sa labas ng bansa ay mamomonitor nito.”

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph