Press Releases

You are visitor #

2120630
TodayToday298
This_WeekThis_Week2252
This_MonthThis_Month11091
All_DaysAll_Days2120630

LIBRENG PUSTISO PARA SA 4Ps NG TANAUAN

pustiso

LIBRENG PUSTISO PARA SA 4Ps NG TANAUAN. Sa pangunguna ng pamahalaang lungsod, sa
pamamagitan ng City Health Office at sa pakikipagtulungan ng PDA-Batangas Province Dental
Chapter at Rotary Club of Metro Tanauan, limampung (50) 4Ps at indigent Tanaueño sa lungsod ang
nabigyan ng libreng pustiso bilang bahagi ng pakikiisa ng pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng
National Oral Health Month ngayong buwan ng Pebrero. Kaugnay nito, dumalo sa isinagawang flag
raising ceremonies noong Pebrero 4 ang ilan sa mga naging benepisyaryo ng naturang programa
upang ipaabot ang kanilang pasasalamat sa lokal na pamahalaan sa pangunguna ni City Mayor Atty.
Jhoanna Corona-Villamor. Samantala, sa temang “Ngipin na Malusog at ProtektaDOH, Masaya at
Maningning na Ngiti ang Hatid sa Mundo”, ilan pa sa mga programang inihanda para rito ay ang
Search for Orally Fit Children na gaganapin sa Pebrero 20 kung saan magbibigay rin ng libreng
toothbrush at toothpaste mula sa Rotary Club at multivitamins handog ng MediRx. Magbibigay rin ng
Oral Health Education, Oral Examination, Pit & Fissure Sealant, at Restoration ang tanggapan ng City
Health para sa isinasagawang ‘Serbisyong Hatid sa Barangay’ ng pamahalaang lungsod. Kabilang sa
larawan ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni BGen. Benedicto Corona (ret) kasama sina
Kon. Lim Tabing, Kon. Eric Manglo, Kon. Jun Goguanco, Kon. Arthur Lirio at Kon. Angel Atienza. ( CIO
Tanauan/ LACV | Photo Courtesy: Roderick Lanting – Pebrero 7, 2019)

 

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph