Press Releases

You are visitor #

2150593
TodayToday20
This_WeekThis_Week2728
This_MonthThis_Month8845
All_DaysAll_Days2150593

Tanauan City, nakikiisa sa Civil Registration Month

CIO Tanauan/LACV | January 31, 2019

civil

Iba’t-ibang mga programa ang inilatag ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sa pangunguna ni City
Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Civil Registration Month
ngayong buwan ng Pebrero 2019, na may temang “Inclusive and Responsive CRVS: Working Smarter
Through Innovation”.
Para sa taong ito, magkakaroon ng “Mobile Registration” kung saan bababa sa barangay ang mga
ilan sa mga empleyado ng tanggapan ng Local Civil Registry upang magbigay ng libreng pagrerehistro
ng mga hindi pa rehistradong bata at “senior citizen”.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng taunang “Libreng Kasalang Bayan” na gaganapin sa Pres. J.P
Laurel Gymnasium I sa Pebrero 14, 2019. Inaasahang humigit-kumulang sa isandaang magkasintahan
ang magpapakasal sa taong ito. Ang lahat ng magkapares ay tatanggap ng libreng “Certificate of No
Marriage (CeNoMar)” mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), “registration”, aras, veil, bridal
bouquet, groom’s boutoneer, photobooth, wedding cake, souvenir at theme-wedding reception.
Bukod pa rito, magkakaroon rin ng “free issuance of certification” para sa birth, death at marriage
para sa mga mamamayan.
Layunin ng programang ito na himukin ang bawat isa na magparehistro at ipaunawa ang
kahalagahan nito sa buhay ng bawat mamamayang Tanaueño.(CIO Tanauan/LACV)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph