Press Releases

You are visitor #

2120630
TodayToday298
This_WeekThis_Week2252
This_MonthThis_Month11091
All_DaysAll_Days2120630

64 estudyante ng Tanauan City College, tumanggap ng tulong

pinansyal

By: CIO Tanauan/LACV | January 24, 2019

pinan

Photo Courtesy: Jun Mojares

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas -- Sa bisa ng Republic Act No. 10931 o mas kilala bilang
"Universal Access to Quality Tertiary Education Act", animnapu’t apat na piling mag-aaral ng
Tanauan City College (TCC) ang tumanggap ng “Tertiary Education Subsidy o TES” mula sa UniFAST-
Commission on Higher Education (CHED) na nagkakahalaga ng Php 20, 000.00 para sa buong
semestre.
Noong Enero 11, 2019, pormal na iginawad ni ni Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, Chairperson
ng Board of Trustees (BoT) ng TCC kasama si TCC President Michael E. Lirio, sa mga mag-aaral ang
naturang TES mula sa CHED na isinagawa sa Mayor’s Theater Room.
Sa inilabas na listahan ng naturang komisyon, kabilang ang TCC sa 78 mula sa 107 na local
universities and colleges (LUCs) na binigyan ng pagkilala at itinanghal na “eligible” para sa Free
Higher Education na simulang ipinatupad ngayong Academic Year (AY) 2018-2019 .
Ang 64 na estudyante na nakatanggap ng TES ay pawang mga kabilang sa sambahayang nakatala sa
Listahanan 2.0 ng Department of Social Welfare and Development na siyang pangunahing
prayoridad ng batas na ito.
Alinsunod pa rin sa itinatakda ng batas, ang subsidiyang ito ay maaaring gamitin ng mga estudyante
sa mga sumusunod: (1) tuition and other school fees; (2) educational expenses; at (3) cost of living
allowance. (CIO Tanauan/LACV)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph