Press Releases

You are visitor #

2120630
TodayToday298
This_WeekThis_Week2252
This_MonthThis_Month11091
All_DaysAll_Days2120630

Tanauan City, Top 1 sa Local Collection Efficiency sa buong bansa

By: CIO Tanauan/ LACV (January 17, 2019)

collection

Tinanggap ng City Treasurer's Office (kaliwa) at City Assessor's Office (kanan) ang sertipiko ng Gawad Pagkilala kasama ang Php 30, 000.00, sa pamamagitan ngProgram on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE), mula sa pamahalaang lungsod, sa
pangunguna ni City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor kasama ang mga bumubuo ng Sangguniang
Panlungsod, sa pamumuno ni City Vice Mayor BGen. Benedicto C. Corona (Ret.) kasama sina Kon. Lim Tabing,
Kon. Jun Goguanco, Kon. Eric Manglo, at Kon. Arthur Lirio sa isinagawang "flag raising ceremony" noong Lunes,
Enero 14. (Photo Courtesy: Roderick Lanting)


 

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas -- Panibagong karangalan ang tinanggap ng lokal na pamahalaan
matapos itong kilalanin bilang Top 1 sa Local Collection Efficiency (City Category) sa buong bansa.
Noong nakaraang Disyembre, iginawad ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ang
karangalang ito sa Pamahalaang Lungsod matapos na makapagtala ng 154.5% "collection efficiency"
base sa 2017 BLGF Collection Target for Total Local Revenues ang mga tanggapan ng City Treasurer's
Office (CTO) at City Assessor's Office. Mula sa Php 693, 881, 296.00 na "Total Local Revenues
Target", umabot sa Php 1,072,022,459.15 ang "LGU Collections (Per SRE System) ng mga naturang
opisina.
Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, layunin ng BLGF na himukin ang mga lokal na pamahalaan,
partikular ang mga tanggapan ng Treasury at Assessor na ipagpatuloy, mas pagbutihin at palawigin
pa ang kanilang "revenue generation efforts" para sa mabuting lokal na pamamahala at pagbibigay
ng mahusay na serbisyo publiko.
Ipinabatid nina City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor at ang mga bumubuo ng Sangguniang
Panlungsod, sa pamumuno ni City Vice Mayor Bgen. Benedicto C. Corona (Ret.) kasama sina Kon. Lim

Tabing, Kon. Jun Goguanco, Kon. Eric Manglo, at Kon. Arthur Lirio ang kanilang pagbati at papuri sa
mga nasabing departamento sa isinagawang "flag raising ceremony" noong Lunes, Enero 14.
Kaugnay nito, ginawaran ng Gawad Pagkilala, sa pamamagitan ng Program on Awards and Incentives
for Service Excellence (PRAISE), ang opisina ng Treasury at Assessor, na pinamumunuan nina City
Treasurer Fernando Manzanero at City Assessor Annaliza Gonzales. Bukod dito, tumanggap ang mga
naturang opisina ng tig-Php30, 000.00, ayon pa rin sa itinatakda ng PRAISE. Ito ay bilang pagpupugay
sa kanilang natatanging kahusayan at pagsisikap upang makamit ang karangalang ito. (CIO
Tanauan/LACV)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph