Press Releases

You are visitor #

2120630
TodayToday298
This_WeekThis_Week2252
This_MonthThis_Month11091
All_DaysAll_Days2120630

8 kawani ng LGU Tanauan, nasertipikahan bilang Pre-Marriage Counselors.

precouncilours

8 kawani ng LGU Tanauan, nasertipikahan bilang Pre-Marriage Counselors. Sa isinagawang "flag
raising ceremony" ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Atty. Jhoanna Corona-
Villamor, noong Enero 14, 2019, ipinakilala sa mga kawani at opisyales ng lungsod ang walong (8)
empleyado mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at City Health Office (CHO)
ang ginawaran ng Certificate of Accreditation bilang Pre-Marriage Counselors ng Department of
Social Welfare and Development Region IV-A CaLaBaRZon. Matapos sumailalim sa masusing
pagsasanay at maipasa ang final observation, kinilala ang mga sertipikadong pre-marriage counselors
na sina Rebecca D. Javier, RSW, Elaine P. Caringal, RSW, Severina A. Aponesto, RSW Edna S. Largo,
RSW mula sa CSWDO at Domingo R. Austria, RN, Blessie B. Gonzales, RM, Zenaida D. Manalo, RM,
Elvira B. Ilagan, RM mula sa CHO. Kasama rin sa larawan ang bumubuo Sangguniang Panlungsod, sa
pamumuno ni Vice Mayor BGen. Benedicto Corona (Ret.), kasama ang mga konsehal na sina Kon.
Lim Tabing, Kon. Jun Goguanco, Kon. Eric Manglo, at Kon. Arthur Lirio. (CIO Tanauan/LACV | Photo
Courtesy: Roderick Lanting - January 17, 2019)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph