Press Releases

You are visitor #

2188601
TodayToday184
This_WeekThis_Week1167
This_MonthThis_Month6545
All_DaysAll_Days2188601

Parade of Lights 2019

Business One Stop Shop (BOSS) 2019, umarangkada sa Tanauan City

LACV/CIO-Tanauan | January 10, 2019

boss2


 LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas- Dinumog ng mga negosyanteng Tanaueño ang
unang linggo ng pagtanggap ng mga aplikasyon para sa new business registration at
business renewals sa Business One Stop Shop (BOSS) na sinimulan sa lungsod noong
Enero 2, 2019.
Ang pagpoproseso ng mga kaukulang business permit ay isinasagawa mula 8:00 ng umaga
hanggang 5:00 ng hapon. Ang mga opisina na kabilang sa BOSS ay ang City Planning and
Development Office (CPDO), City Engineering Office (CEO), City Environment and Natural
Resources Office (CENRO), City Health Office (CHO), Bureau of Fire Protection at City
Treasurer’s Office (CTO).
Layon ng programang ito nas mas mapabilis ang pagpoproseso ng mga business permit na
nakukuha ng mga negosyante sa Tanauan City sa loob lamang ng isang oras nang sa
gayon ay mas maengganyo pa ang iba pang nagnanais na mamuhunan sa lungsod.
Pinaaalalahanan naman ang lahat ng mga kukuha ng business permit na magdala ng
orihinal na sipi ng mga hinihinging dokumento para sa “validation” at “authentication” ng
Business Permit Licensing and Investment Office (BPLIO). Kabilang sa mga dokumentong
ito ang Barangay Clearance, Building/Occupancy Permit, Annual Inspection Clearance para
sa mga magre-renew, Zoning Clearance, Environmental Compliance kung naaangkop sa
klase ng negosyo, Sanitary Permit at Fire Safety Inspection Clearance.
Sa pinakahuling datos na nakalap mula sa BPLIO, ang kabuuang business permit na
naiproseso noong taong 2018 ay umabot na sa 3,490 kumpara sa taong 2017 na nasa
3,434.
Magtatagal hanggang Enero 30, 2019 ang B.O.S.S sa lungsod ngunit hanggang Enero 20,
2019 lamang ang pagpoproseso ng business permit na wala pang rekargo o penalty.(
LACV/CIO-Tanauan )#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph