Press Releases

You are visitor #

2088052
TodayToday40
This_WeekThis_Week2167
This_MonthThis_Month7745
All_DaysAll_Days2088052

“18-day campaign to end VAW”, muling inilunsad sa Tanauan

CIO Tanauan/ LACV | Nobyembre 29, 2018

vawc

LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Muling nakiisa ang pamahalaang lungsod ng Tanauan, sa
pangunguna ng Gender and Development (GAD) Office na pinamumunuan ni Ms. Rebecca Javier, sa
taunang pambansang kampanya kontra karahasan sa mga kababaihan, ang "18-day campaign to end
Violence against Women sa temang “VAW free Community Starts with me”.
Sa isinagawang “flag raising ceremony” noong Nobyembre 26, pormal na ginanap ang pag-uumpisa
ng naturang kampanya kung saan inilatag ang mga programang nakalinya kaugnay ng aktibidad.
Isa sa nagsilbing panauhing pandangal si Ms. Maria Kristine Josefina G. Balmes, Deputy Executive
Director for Operations ng Philippine Commission on Women, na mariing tinalakay ang kahalagahan
ng nasabing kampanya sa mensaheng kanyang ipinahayag. Aniya, napakaraming babae ang
nakakaranas ng mga pang-aabusong pisikal, emosyonal, sikolohikal at ekonomikal ngunit mababa pa
rin ang bilang ng mga kababaihang nagsusumbong ng kaugnay na pangyayari. Nangangahulugan
lamang ito na kulang pa rin ang boses ng mga kababaihan. Dagdag nya, nagtayo na ang gobyerno ng
mga pasilidad na maaaring lapitan upang magbigay tugon sa mga nararanasang pang-aabuso, at ang
kinakailangan na lang ay magkaroon ng lakas ng loob ang mga kababaihan na ipahayag ang kanilang
mga dinaranas.
Bilang bahagi ng programa, pormal na ring ipinakinig at inawit ng mga piling empleyado ng
pamahalaang lungsod ang GAD Theme Song na may titulong “Tanaueña, Kaya Mo!”.

Website: www.tanauancity.gov.phTel no: (043) 728-9841 loc 1111/1112

Nag-iwan naman ng hamon si Ms. Balmes sa mga kababaihan sa lungsod. Aniya, “Kaya po natin sa 18
days na ito na ang bawat Tanaueña ay kaya ng ipahayag ang kanilang mga nararanasan, kayang
tumindig at manindigan at kaya ng suportahan ang mga kilalang kababaihan na nakakaranas ng
pang-aabuso.”
Nagpahayag naman ng kanyang buong suporta si Acting Mayor BGen. Benedicto Corona sa nasabing
kampanya. Kaugnay nito, kasama ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod at mga pangulo ng
iba’t-ibang tanggapan at organisasyon sa lungsod, nagsagawa ng “freeing of doves” bilang simbolo
ng kapayapaan, katapatan, kalinisan, pagmamahal ng isang ina at kalayaan mula sa VAWC.
Kasabay sa pagsisimula ng programa ang ‘Launching’ ng Child Development Center’ at ‘Judging’ ng
VAW Poster Making Contest. Ilan pa sa mga nakalinyang programa ang mga sumusunod: Campus
Tour: ‘Early Teenage Pregnancy and HIV Awareness Symposium for Grade 11 & 12 mula Nobyembre
27 hanggang Disyembre 12, sa pakikipagtulungan ng Men Opposed to Violence Against Women
Everywhere (MOVE); VAW Experiential Exhibit na isasagawa sa Waltermart mula Disyembre 3-7;
BOSES: Interactive VAWC Awareness Seminar na gaganapin sa Gym 1 sa Disyembre 5; at HIV
Awareness & Orientation on R.A 7877: The Anti-Sexual Harassment Act of 1995 na dadaluhan ng
mga lesbian, gay, bisexual and transgender o LGBT sa darating na Disyembre 12 sa Gov. Modesto
Castillo Cultural Center. (CIO Tanauan/LACV)#

 

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph