Print
Category: Latest News

wheelchair

LIBRENG WHEELCHAIRS AT CANES HATID NG PAMAHALAANG LUNGSOD. Sa
isinagawang flag raising ceremony noong ika-26 ng Nobyembre, anim na libreng
wheelchairs ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sa pangunguna ni
Acting Mayor BGen. Benedicto Corona (Ret.) at Acting Vice Mayor Eric Manglo, sa
pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sa mga “senior
citizens” at “persons with special needs” sa lungsod. Ang pamimigay ng mga “assistive
devices” katulad ng wheelchair at cane ay isa sa mga programa ng tanggapan ng
CSWD na naglalayong makatulong sa mga mamamayang Tanaueño. Kasama sa
larawan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Angel Atienza,
Kon. Jon Magpantay, Kon. Atty. Gileen Canobas-Manaig, Kon. Joseph Castillo, ABC
President Kristina Gayanilo-Fajardo at SK Federation President John Kennedy
Macalindong. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Jun Mojares - November 29, 2018)