Press Releases

You are visitor #

2088052
TodayToday40
This_WeekThis_Week2167
This_MonthThis_Month7745
All_DaysAll_Days2088052

childminding

BAGONG CHILD DEVELOPMENT CORNER, BINUKSAN. Pormal na binuksan sa
publiko ang bagong “Child Development Corner (CDC),” na matatagpuan sa ikalawang
palapag ng city hall, noong ika-26 ng Nobyembre bilang bahagi ng pakikiisa ng
pamahalaang lungsod sa 18-day campaign to end Violence against Women (VAW). Sa
pangunguna ng Gender and Development Office at pakikipagtulungan ng City Social
Welfare and Development Office (CSWD) na parehong pinamumunuan ni Ms. Rebecca
Javier, isinagawa ang “ribbon-cutting ceremony” kaugnay ng naturang programa na
dinaluhan nina Acting Mayor BGen. Benedicto Corona (Ret.), Acting Vice Mayor Eric O.
Manglo kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Jon
Magpantay, Kon. Joseph Castillo, Kon. Gileen Manaig, Kon. Angel Atienza, ABC
President Kristina Gayanilo-Fajardo at SK Federation President John Kennedy
Macalindong maging ng mga “department heads” mula sa iba’t-ibang tanggapan. Ang
CDC ay bukas mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon upang magserbisyo sa
mga batang Tanaueño partikular ang mga anak o kaanak (1-12 years old) ng mga
empleyado ng pamahalaang lungsod gayundin ang mga kliyente ng cityhall na
kumukuha ng serbisyo sa naturang lokal na pamahalaan. (CIO Tanauan/LACV | Photo
Courtesy: Jun Mojares - November 29, 2018)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph