Press Releases

You are visitor #

2102899
TodayToday204
This_WeekThis_Week2416
This_MonthThis_Month7644
All_DaysAll_Days2102899

unveiling of marker

UNVEILING OF MARKER. Sa pangunguna ng Sangguniang Panlungsod (SP) na
pinamumunuan ni City Vice Mayor Ret. BGen. Benedicto Corona, pormal na isinagawa
ang “Unveiling of Marker” ng Bulwagang Felix E. Ebron, ang nagsisilbing SP Session
Hall sa bagong city hall ng Tanauan City noong Nobyembre 20, 2018 kung saan
ipinagdiriwang din ang ika-138 taong anibresaryo ng kanyang kapanganakan. Ang
pagpapangalan sa kanya ng naturang bulwagan ay bilang pagkilala, pagpaparangal at
pagpapahalaga sa kanyang 42 taon na tapat na paglilingkod sa mga Tanaueño bilang
Konsehal, Bise Presidente Municipal at Presidente Municipal mula 1921-1963. Dumalo
sa isinagawang pagtitipon ang mga apo ni Hon. Felix Ebron na sina Former Municipal
Mayor Paquito Lirio kasama ang kanyang maybahay na si Gng. Emerlina Lirio, Tanauan
City College President Michael Lirio, Gng. Vangie Lirio-Comia, may-ari ng Lilyrose
School at iba pang miyembro ng kanilang pamilya upang ipabatid ang taos-pusong
pasasalamat para sa karangalang ito. Kasama rin sa larawan ang mga miyembro ng
Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Angel Atienza, Kon. Eric Manglo at Kon. Lim
Tabing. (CIO Tanauan/LACV | Photo Courtesy: Keith Benedict Fadriquilan - November
23, 2018)

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph