Press Releases

You are visitor #

2071871
TodayToday373
This_WeekThis_Week1025
This_MonthThis_Month14632
All_DaysAll_Days2071871

2018 Seal of Good Local Governance, nasungkit ng Tanauan

CIO Tanauan/ LACV | November 8, 2018

seal1

Tinanggap ni Acting City Mayor BGen. Benedicto C. Corona (Ret.), bilang kinatawan ni City Mayor
Atty. Jhoanna Corona-Villamor, ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of
the Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang Awarding Ceremony noong Miyerkules,
Nobyembre 7, 2018 sa Manila Hotel. Kabilang sa naggawad ng parangal sina (L-R) DILG Batangas
Provincial Director Adelma D. Mauleon, CESO V, DILG IV-A CaLaBaRZon Assistant Director Elias F.
Fernandez Jr., CSEE at Regional Director Manuel Q, Gotis, DILG Secretary Eduardo M. Año, Keynote
Speakers Representative Jose Enrique “Joet” Garcia III, 2 nd District Bataan at Senator Juan Edgardo M.
Angara. Makikita rin sa larawan ang bumubuo ng delegasyon ng Tanauan City na sina City Planning
and Development Officer Aissa M. Leyesa, Ms. Jacqueline Landicho, OIC-HRMDO, at City Local
Government Operations Officer (CLGOO) Quennie Malleon. (Photo Coutesy: Jun Mojares)


 LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas – Sa kauna-unahang pagkakataon, matagumpay na
nasungkit ng pamahalaang lungsod sa taong ito ang prestihiyosong Seal of Good Local
Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government.
Ang SGLG (Pagkilala sa Katapatan at Kahuyasan ng Pamahalaang Lokal) ay ipinagkakaloob sa
lahat ng local government units na may mahusay na pangangasiwa o pamamahala sa pitong
core areas na kinabibilangan ng “Financial Administration”; “Disaster Preparedness”; “Social
Protection”; “Peace and Order”; “Business Friendliness and Competitiveness”;
“Environmental Protection”; at “Tourism Culture and the Arts”.
Para sa taong ito, nagkaroon ng karagdagang panuntunan o kwalipikasyon ang nasabing
parangal bilang hamon ni DILG Secretary Año sa mga lokal na pamahalaan na tiyakin ang
matapat na pagtupad sa kanilang mandato upang makapagbigay ng mahusay na
paglilingkod sa mga mamamayang kanilang nasasakupan.
Sa lumabas na resulta ng “validation process”, tagumpay na pumasa ang LGU Tanauan sa
lahat ng pamantayang itinakda ng kagawaran. Patunay lamang ito sa patuloy na
pagpapabuti at pagpapataas ng kalidad ng serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaang
lungsod sa mga Tanaueño at mga “stakeholders” nito.
Kaugnay nito, ang Tanauan City ang natatanging lungsod sa buong lalawigan ng Batangas na
pinagkalooban ng naturang pagkilala.
Sa Awarding Ceremony para sa Central at South Luzon na isinagawa sa Manila Hotel noong
Nobyembre 7 na may temang, “SGLG All-in: Reaping the Results of Good Governance”,
pormal na iginawad sa lungsod ang marker ng SGLG na tinanggap ng delegasyon ng lokal na
pamahalaan sa pangunguna ni Acting City Mayor BGen. Benedicto C. Corona (Ret.) bilang
kinatawan ni City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, City Planning and Development
Officer Aissa M. Leyesa, Ms. Jacqueline Landicho, OIC-HRMDO, at City Local Government
Operations Officer (CLGOO) Quennie Malleon . (CIO Tanauan/LACV)#

Archive Videos

Parade of Lights 2017 Video

Parade of Lights 2016 Video

 

Parade of Lights 2016 Video

Posted by Tanauan City's Hope on Wednesday, March 16, 2016

Parade of Lights 2015 Video

Kasalang Bayan 2017

 
 
 Para po sa mga Depositor ng Countryside Cooperative Rural Bank of Batangas-Tanauan Branch (CCBAT)

 

Contact Us

City Government of Tanauan

Address: Laurel Hill, Barangay Natatas, City of Tanauan, Batangas 4232 Ph
Email: tanauancityinfo@gmail.com

Phone: 043 728-9800

http://www.tanauancity.gov.ph